^

PSN Showbiz

Mga naglalakihang artista susugod sa Sari-Sari Store Convention ng Puregold

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pagsasamahin ng Puregold ang pinaka-malalaki, pinaka-makikinang, at pinaka-iconic ng mga celebrities sa ika-9th na installment ng taunan nitong Tindahan Ni Aling Puring (TNAP) Sari-Sari Store Convention na magaganap sa World Trade Center sa Pasay City ngayong darating na Mayo 21 hanggang May 25 (9 am to 6 pm araw-araw).

Ang mga artistang dadalo upang ipagdiwang ang 11 matagumpay na taon ng TNAP ay pinangungunahan ng mga hari ng noontime television na sina Vic Sotto at Joey De Leon; at ng Pop Star Princess at Box-Office Queen na si Sarah Geronimo. Ang iba pang mga featured na panauhin sa convention ay ang mga young stars na sina Kim Chiu, Matteo Guidicelli, Julia Barretto, at Angelica Panganiban at pati na rin ang mga sikat at naglalakihang mga banda gaya ng Up Dharma Down, Callalily, at Aegis.

Ang Tindahan ni Aling Puring Sari-Sari Store Convention ngayong taon ay isang five-day event na inaasahang mas malaki at mas bongga sa mga conventions na nauna rito sa mga nakaraang taon.

Tunay na mahalagang taon ang 2014 para sa Puregold sa kadahilanang ilulunsad nito ang bago at improved membership card ng Tindahan ni Aling Puring na ipinagmamalaki ang mga bago at highly-exclusive na mga benipisyo para sa mga miyembro gaya ng easier structure to earn points through their purchases at improved redemption system para sa mga fabulous freebies at prizes plus other exciting features at rewards.

Ang tema ng convention ngayong taon ay Level-AP! Eleven Years, E-Level AP and Asenso at Panalo.

Ipapakita lamang ng mga miyembro ng Tindahan ni Aling Puring ang kanilang mga membership cards upang libreng maging bahagi ng convention at maaari namang mag-sign-up ang  non-members bilang miyembro ng Tindahan ni Aling Puring upang sila ay makasali sa convention.

Maaaring makilahok ang mga miyembro sa libreng trainings at seminars ng convention upang matuto sila ng mga mahahalagang tips at methods mula sa mga nirerespetong negosyo gurus tulad nina Chinkee Tan, Francis Kong, Randell Tiongson, RJ Ledesma, Anton Diaz, at marami pang iba. Bibigyan din ng Puregold ang mga top purchasers nito ng mga brand new cars at magpapamigay din ng mga business utility vehicles at packages gaya ng multicabs, pick-up trucks, at mga Puregold gift certificates.

vuukle comment

ALING PURING

ALING PURING SARI-SARI STORE CONVENTION

ANG TINDAHAN

ANGELICA PANGANIBAN

ANTON DIAZ

BOX-OFFICE QUEEN

CHINKEE TAN

PUREGOLD

TINDAHAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with