^

PSN Showbiz

Startalk pinanghihinayangan na inilipat sa Linggo

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Maraming followers ng long-running showbiz-oriented talk show na Startalk ang nanghinayang nang ito’y malipat sa araw ng Linggo mula sa original slot nito tuwing Sabado ng hapon. Ilang taon na rin namang namamayagpag ang prog­rama at ilang programa na rin ang itinapat sa kanila ng kalabang istasyon ang hindi nagtagumpay na sila’y patumbahin at nanatili silang matatag sa kanilang dating araw at oras. Pero nang sila’y malipat sa araw ng Linggo at itapat sa Buzz ng Bayan nina Boy Abunda, Janice de Belen, at Carmina Villarroel, nahati ang kanilang followers na nagkataon ding viewers ng katapat nilang progra­ma. Pero ito’y management decision na kailangang sundin ng mga host at production staff ng programa.

Sen. Loren balik-kapuso

Not everybody knows na si Sen. Loren Legarda ay nagsimula sa pagiging Kapuso bago siya nagpalipat-lipat ng istasyon hanggang sa siya’y mapako sa ABS-CBN, kung saan siya nagtagal bago niya pinasok ang larangan ng pulitika.

Kaya naman ngayon, balik-Kapuso siya bilang special guest namin ni German ‘Kuya Germs’ Moreno sa aming Celebrity Talk segment ng Walang Tulugan with the Master Showman on GMA last Saturday midnight.

King of talk, umusog ang plano sa pulitika

Inamin ng King of Talk na si Boy Abunda na kanyang ipagpapaliban ang pagpasok sa public service dahil sa kanyang mahal na ina na si Nanay Lising, na labas-masok ng pagamutan. More than anything, mas gusto ni Boy na tutukan ang kalusugan ng kanyang ina at paglaanan pa ito ng kanyang oras. Dapat sana’y kakandidato si Boy sa pagka-governor ng Eastern Samar na gusto niyang tulungan pero mauusog ito.

Nung nabubuhay pa ang ama ni Boy na si Eugenio Abunda, Sr., ay naging konsehal at board member ito. Naging konsehal at vice mayor naman ng Borongan City sa Eastern Samar si Nanay Lising habang naging vice mayor at ngayon ay mayor ng Borongan ang nakatatandang kapatid ni Boy na si Fe Abunda. Kaya nasa dugo talaga ng pamilya ni Boy ang public service.

Piolo hinihintay nang mag-18 ang anak

Natutuwa si Piolo Pascual para sa kanyang kaibigang si Jericho Rosales nang ito’y magpakasal sa kasintahang si Kim Jones. Although may plano rin naman si Piolo na lumagay sa tahimik balang araw, hindi umano ito mangyayari in the next couple of years dahil gusto muna niyang tumungtong sa 18 ang kanyang kaisa-isang anak (sa pagkabinata) na si Iñigo o ‘di kaya ay bago siya umabot sa edad na 40.

Isa si Piolo sa mga dream boyfriend or husband ng mga kababaihan kaya napakasuwerte ng babaeng pipiliin nitong pakasalan.  

 

BORONGAN CITY

BOY

BOY ABUNDA

CARMINA VILLARROEL

CELEBRITY TALK

EASTERN SAMAR

NANAY LISING

PIOLO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with