Para namang hindi magandang pakinggan mula kay Piolo Pascual ‘yung pagpayag niya sa kanÂyang anak na si Iñigo na mag-showbiz sa Tate at hindi rito para raw maiiwas ito sa masasamang elemento rito. Dito siya nag-artista sa bansa at dito man lamang ay may masabi siyang maganda. Kung may masamang elemento man siyang kinaÂharap ay napagwagian naman niya, katunayan, kinilala naman ang talento niya rito.
Pero hari siya ng sarili niya. Anak niya ang pinag-uusapan. Kung saan niya gusto itong ilagay, bahala siya. But he should at least be grateful sa mga magandang bagay na nangyari sa kanya rito.
Nag-hit and run kay Aiko, hindi pa rin lumulutang
Alam kaya ng driver ng Pajero na nakabangga kay Aiko Melendez at may plakang XDL 909 na hindi niya matatakasan ng lubos ang kanyang kasalanan? Hindi siya patatahimikin ng aktres na mabuti na lamang at hindi nasaktan sa pangyayari.
Maraming mga ganitong kaso ng hit and run sa bansa. Masuwerte ang marami na hindi naalala ang plaka ng nakabangga sa kanila. Pero, paano kung katulad ni Aiko ang nabangga n’yo at nakakuha ng plaka n’yo?
Panahon lang ang kailangan bago kayo mahuli. Nakakahiya pa dahil siguradong malalaman pa kung sino kayo. Kung ako kayo, makikipag-ayos na lang ako. Maliit lang naman siguro ang danyos na babayaran n’yo.
Mark ginagawang isyu ang pang-iisnab ni James
Bakit ba malaking isyu kay Mark Herras ‘yung hindi pagbati sa kanya ng mga bago at mas nakababatang artista sa kanya? Nagsimula ito nang makaharap niya si James Reid na hindi raw siya binati nang makaharap niya.
Sana pabayaan na lang niya ‘yung mga ayaw bumati sa kanya. Hindi naman niya mao-obliga ang lahat na batiin siya. Paano kung hindi nito feel? Hindi naman komo hindi nila siya binati ay wala na silang galang sa kanya. Ikaw kaya ang maunang bumati, baka ma-guilty sila at mapahiya at batiin ka rin nila in return.