Kung si Carla Abellana ay nakatakdang gumawa nang isang TV sitcom na pagtatambalan nila for the first time ni Ryan Agoncillo na may titulong Ismol Family, ang co-star naman niya sa My Husband’s Lover na si Tom RodÂriguez ay may bagong teleserye, ang Niño kung saan siya gaganap na ama ng child actor na si Miguel Tanfelix at mister ni Katrina Halili. Hinihintay naman ang bagong teleserye ni Dennis Trillo na isa rin sa bida ng hit gay TV series na My Husband’s Lover na nung nakaraang Oktubre pa nagtapos.
Hiwa-hiwalay muna ang projects nina Carla, Tom, at Dennis.
Pinagsama naman ng Regal Entertainment sina Carla at Tom sa pelikulang So It’s You na showing ngayon sa mga sinehan. Dapat ay kasama rin sa movie si Dennis pero my conflict umano sa schedule nito.
Max at Pancho sa text lang ‘nagdi-date’
Masaya ang baguhang aktres na si Max Collins dahil sa magandang raÂting ng kanyang Innamorata na napapanood sa afternoon block ng GMA. Dahil sa magandang ratings, extended umano ang nasabing serye up to next month (June).
Max admits na dating sila nang model-turned actor Pancho Magno pero hindi pa umano sila mag-on. Ayon sa young actress, ang work ang kanyang priority sa ngayon. Since pareho naman silang busy ni Pancho (he is with Kambal Sirena), bihira umano silang magkita at nagko-communicate lamang sila through text messaging.
Indie films mainit ang laban sa URIAN
Sinu-sino kaya ang papalaring maÂkapag-uuwi ng tropeo sa ika-37th Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino na nakatakdang ganapin sa darating na June 17 with Piolo Pascual, Bianca GonÂzales, and Butch Francisco hosting the event.
Ito’y gaganapin sa Studio 9 & 10 ng ELJ Bldg. (ng ABS-CBN).
Si Director Mike de Leon ang gagawaran ng Natatanging Gawad Urian. Karamihan sa mga nominees ay mga indie moÂvies tulad ng Norte, Hangganan ng Kasaysayan ni Lav Diaz, Dukit ni Armando Bing Lao, On The Job, Porno, Transit, Riddles of My HomecoÂming, at Ekstra na siyang maglalaban-laban sa iba’t ibang award sa iba’t ibang kategorya.
Ang Gawad Urian ay isa sa pinaka-prestihiyusong award-giving body na may kinalaman sa pelikula.