^

PSN Showbiz

Vhong at Cedric/Deniece, susubukang pagbatiin!

PIK PAK BOOM - Sol Gorgonio - Pilipino Star Ngayon

PIK: Mother’s Day episode din ang mapapanood sa Celebrity Bluff mamayang gabi pagkatapos ng Magpakailanman.

Maglalaban sa kalahating milyon pisong jackpot  ang mga mag-iinang Tina at Derrick Monasterio, Snooky at Sam, at sina Melanie Marquez at ang anak niyang si Michelle.

May tsika rin si Eugene Domingo sa magandang resulta nang manalong third place Audience Award ang pelikula niyang Barber’s Tale sa nakaraang Udine Far East Film Festival sa Italy.

PAK: Muling na-link si Claudine Barretto sa pangalang Mark Anthony dahil naintriga ito nang makita sa Instagram ac­count na kaakbay niya ang lalaking ito.

Itinanggi ito ng aktres, kahit may mga nag-react na followers na bagay daw silang dalawa.

 â€œKaibigan ko lang talaga siya, and we’re usually always together, may project kami together,” pahayag ni Claudine na puspusan na ang pagpapayat.

Hindi lang alam kung saan siya babalik sa trabaho dahil wala pa ring balita kung tuloy ang pelikula niya sa Star Cine­ma at Viva Films.

BOOM: Sinamahan si Vhong Navarro ng non-showbiz girlfriend niyang si Tanya sa hearing ng kasong Grave Coercion sa Taguig-RTC kamakalawa ng hapon.

Arraignment iyun ng mga akusado pero sina Deniece Cornejo at Bernice Lee lang ang sumipot.

Kaya pinapag-report ang NBI sa korte kung bakit wala sina Cedric Lee at Zimmer Raz. Pero ang latest na nabalitaan namin, pinahabol doon ang dalawa.

Ang isa pang akusadong si Jed Fernandez ay pina-cancel ang bail dahil hindi rin nakasipot sa arraignment. Kaya muling nag-isyu ng warrant of arrest laban kay Fernandez.           

Ang isang proseso sa kaso ay mediation bago simulan ang pagdinig nito. Kaya walang magawa si Vhong kundi harapin sila pagdating ng mediation na naka-sche­dule na sa June 2.

AUDIENCE AWARD

BERNICE LEE

CEDRIC LEE

CELEBRITY BLUFF

CLAUDINE BARRETTO

DENIECE CORNEJO

DERRICK MONASTERIO

KAYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with