MANILA, Philippines - Naloka raw si Sen. Grace Poe sa interview ng isang female reporter sa opeÂning ng art exhibit ni Heart Evangelista sa ArÂtist Space ng Ayala Museum last Thursday night. Isa nga sa mga nag-attend ay si Sen. Grace na common knowledge na bestfriend ng boyfriend ni Heart na si Sen. Chiz Escudero.
Ang kuwento ng witness na kausap ko : todo-tsika raw si female reporter tungkol sa mother’s day sa mabait na senadora at panay naman daw ang sagot nito. Ilan daw sa itinanong ng reporter ay kung paano ang celebration ng kanilang mother’s day (Susan Roces), anong ibibigay niyang gift pero bigla raw nag-dialogue si reporter ng parang ‘Hindi po ba ampon ka.’
Bigla raw nag-iba ang reaction ni Sen. Grace pero na-kontrol pa rin nito ang emosÂyon at nakangiti pa rin.
Medyo naramdaman daw ng sosyal na reporter ang biglang pag-iba nang timpla ng senadora kaya natapos na agad ang interbyuhan.
Ipinagtanong daw agad ng senador ang pangalan ni reporter dahil nga madalas naman itong nasa showbiz coverage so hindi raw gaanong familiar si Sen. Grace.
Hindi siguro napigilan ng Ms. reporter ang sarili. Hahaha.
Sen. Cayetano, ginawang joke ang pagna-no. 1 sa survey ni Binay
Isa pang narinig ko ay ang ‘joke’ ni Sen. Alan Peter Cayetano.
One time raw ay nilapitan nito sa session hall (senate) si Sen. Grace. ‘CongÂrats Sen. Grace, top 1 ka sa survey ng presidentiables,†dialogue daw si Sen. Cayetano.
“Paano naging no. 1, 15% lang ako. Si Vice PreÂsident Binay ang nag. no. 1, 40%,†sagot naman daw ni Sen. Poe na no. 2 sa survey.
“Ikaw ang no. 1 kasi ang tanong sa mga respondent, sino ang iboboto mo sa pagka-presidente sa 2016. Kay VP Binay iba ang tanong, ‘magkano ang komisyon mo sa Makati’?,†sabay tawa raw ni Sen. Cayetano.
Kaya naman ang ibang senador, ikinukuwento sa lahat ang nasabing joke ni Sen. Cayetano.
Mabentang-mabenta raw ang nasabing joke ni Sen. Cayetano.
Maalalang lumabas noong May 1 ang resulta ng recent survey ng Pulse Asia kung sino ang preferred presidential candidates nila for 2016 presidential elections at nanguna nga si VP Binay na nakakuha ng 40% sa 1,200 respondents.
Paintings ni Heart pumatok sa mga pulitiko at mayayaman
Going back to Heart’s art exhibit, nabenta lahat ang paintings sa pagbukas pa lang ng exhibit. Si Sen. Cynthia Villar daw ang nakabili nang pinaka-expensive na piece at may mga bumili rin daw na negosyante.
Kasama rin sa bumili si QC Mayor Herbert Bautista at ilan pang pulitiko.
Ang part nang kikitain ay mapupunta sa chaÂrity na tinutulungan ni Heart.
Bago ang nasabing painting exhibit ay aminado si Heart na halos hindi siya makatulog dahil sa takot na walang dumating kahit marami silang inimbitahan kasama na ang mga kaibigan ni Sen. Chiz.
Natuwa rin ang Kapuso actress sa pag-attend ng bantog na sculptor na si Ramon Orlina na sobrang idolo niya.
Punong abala sa ginanap na art exhibit si Sen. Chiz.
Alex may angas sa loob ng bahay
Mas marami na ngayong gastos sa paÂnonood ng Pinoy Big Brother. Kung noon sa matatanggal na housemate lang ang pinagbubutuhan, ngayon pati sa nomination ka-join na ang televiewers at puwede nang iboto kung sino ang gusto n’yong ma-nominate na matsugi sa bahay ni Kuya.
Ito ang kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan ng Pinoy Big Brother, na pasok ang taong bayan sa pagdedesisyon kung sino ang dapat na manatili at maÂnganib na mapalayas sa pamamagitan ng ‘vote to nominate.’
Heto kung paano kayong makakasali : I-text lang ang BBN<space>name of housemate at i-send ito sa 2331 para sa Globe, TM, at ABS-CBNmobile subscriÂbers, at sa 231 para sa Smart at Talk ‘N Text subscribers. Tatlumpung (30) boto lang bawat SIM ang maaaring ipadala kaya kikita rin tiyak ang mga telephone companies.
Sinu-sino kaya ang unang housemates na mano-nominate?
Samantala, simula na rin ng iringan sa pagitan ng ilang housemates sa ikalawang linggo ng PBB All in. Sa pagsisimula pa lang ng bagong weekly task nila ay sumiklab na ang hindi pagkakaintindihan sa pagitan ng mga inatasang pangunahan ang task na sina Cess, Vickie, at Chevin at ni Michele ukol sa rules nito.
Nagkagusot din si Axel at ang celebrity housemates na sina Alex at Michele dahil sa junk food. Ayon naman sa ibang housemates, nagiging ‘bossy’ raw umano sina Alex at Michele.
Hudyat kaya ito ng mas matindi pang gusot sa pagitan nila? Sinu-sinong housemates pa ang magkakainitan?
Bago pa man nito, ipinahayag ng ABS-CBN TV Production head na si Laurenti Dyogi na hindi na madadagdagan pa ng housemates ang PBB All in.
“No need for additional regular housemate for now in this season. Marami na sila. No need for now. May celeb housemates pa soon,†aniya sa kanyang Twitter account.
Sa kabila ng mga naglalabasang kontrobersiya ukol sa mga napiling housemates iginiit din ni Direk Lauren na pinili sila hindi dahil sa kanilang itsura kundi dahil sa kanilang personalidad at mga istorya.
“I don’t think we ever got anyone na ‘pangit.’ Every housemate we got was unique and interesting. Mas marami lang na artistahin this season, we don’t see anything wrong with that. Viewers seem to be enjoying the housemates. Our ratings seem to validate that at this point,†dagdag pa niya.