^

PSN Showbiz

Mga poging bakla, todo patalbugan

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sasabak na sa kanilang huling pagrampa at pag­papasiklaban ng kapogian, talino, at talento ang 23 na grand finalists ng I Am PoGay ngayong linggo bago ang inaabangang grand finals nito nga­yong Sabado (May 10) sa It’s Showtime.

 Mula sa 23 sa week-long grand finals, kukunin ang top 10 na siyang pagpapasiyahan ng mga hura­dong sina Lani Misalucha, Richard Gomez, at host na si Jhong Hilario. Abangan din sa Sabado kung sino pa ang dalawang bigating huradong hahanay kina Lani, Richard, at Jhong.

Ang top 10 namang ito ang muling magpapasikat para makapasok sa top 5, na siyang sasalang sa question and answer portion. Dito magkakaalaman kung sino ang karapat-dapat na maging kauna-unahang grand winner ng I Am PoGay.

Sino nga ba ang tatanghaling pinaka-PoGay at mananalo ng grand prize na P300,000?

Inilunsad ang I Am PoGay noong Enero upang bigyang pagkakataon ang mga bakla na magpasikatan matapos ang matagumpay na That’s My Tomboy pageant ng Kapamilya noontime show para sa mga tomboy.

ABANGAN

DITO

ENERO

I AM

JHONG HILARIO

LANI MISALUCHA

MY TOMBOY

RICHARD GOMEZ

SABADO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with