SEEN: “I like her na†ang sabi ni Kris Aquino tungkol kay Michela Cazzola dahil binigyan nito ng pahabol na birthday gift ang kanyang anak na si Bimby.
Si Michela ang Italian girlfriend ni James Yap, ang ex-husband ni Kris.
SCENE: “More than my responsibility to my colleagues, I am accountable to the Filipino people who gave me their trust and mandate,†ang paliwanag ni Senator JV Ejercito sa pagpirma niya sa pork plunder report na nagsasangkot sa kanyang kapatid na si Senator Jinggoy Estrada at Senators Juan Ponce Enrile at Bong Revilla, Jr.
SEEN: Mabigat ang hamon ni Senator Bong Revilla sa Malacañang Palace na ikulong na siya upang matapos na ang pagpapahirap sa kanya at sa pamilya niya.
Kumbinsido si Bong na makukulong siya para ma-divert ang atensyon ng publiko sa listahan ng mga ibang senador na sangkot sa pork barrel scam na nasa listahan ni Janet Napoles.
SCENE: Isaiah Joseph ang pangalan na ibinigay nina Jerika Ejercito at Bernard Palanca sa kanilang panganay na isinilang noong Miyerkules, May 7. Isinunod nina Jerika at Bernard ang second name ng kanilang anak sa pangalan ni Manila City Mayor Joseph Estrada, ang ama ni Jerika na hindi raw pabor kay Bernard.
SCENE: Pinatalsik sa puwesto ng Constitutional Court ng Thailand si Yingluck Shinawatra, ang prime minister ng bansa na gustong ireto noon ni Kris Aquino sa kapatid na si P-Noy. Bumisita sa Pilipinas si Shinawatra noong January 2012.
SEEN: Hindi nangyari ang kagustuhan ni Kris Aquino dahil may asawa at isang anak si Yingluck Shinawatra.
SCENE: Nag-renew ng kontrata si Mark Herras sa GMA Network Inc. Nagpapalaki si Mark ng katawan dahil pinaghahandaan niya ang pagrampa sa Cosmo Bash sa September 2014.