Jake at Lovi pagsasamahin uli!
Hindi muna matutuloy ang pagtatambal sa Regal Entertainment movie nina Lovi Poe at Derek Ramsay dahil uunahin ng aktor ang movie nila ni Kris Aquino, plano raw nina Mother Lily at Roselle Monteverde na ibalik ang tambalan nina Lovi at Jake Cuenca.
Siguro naman, papayag ang dalawa na muling magtambal sa pelikula’t pareho naman silang professional. Saka pareho na silang nakapag-move on sa relasyong never nilang inamin at may bago na ngang love si Lovi, may Rocco Nacino na siya at si Jake naman ay may Chanel Olive Thomas, isang Fil-Aussie model.
Samantala, sa June 2 na ang pilot airing ng bagong primetime soap ng GMA 7 na Ang Dalawang Mrs. Real, kung saan isa sa mga bida si Lovi. Last Tuesday, nag-plug shoot sina Lovi, Dingdong Dantes at Maricel Soriano in their wedding gowns and groom suit. Mula ito sa direction ni Andoy Ranay.
Mark imbyerna sa pagkakatanggal ng ibang kasama sa SAS
Naaawa si Mark Herras sa mga dating kasama sa Sunday All Stars na naalis o ginawang semi-regular ang status sa show. Ito ay kaugnay pa rin sa pagbabawas ng oras ng naturang programa. Nanghihinayang din siya sa magagaling sumayaw gaya nina LJ Reyes, Julian Trono, Aira ng Sexbomb, at Yassi Pressman na hindi na mapapanood ng regular.
Binanggit din nito ang mga singers na sina Maricris Garcia, Aicelle Santos, Frencheska Farr, at ang mula rin sa StarStruck na si Steven Silva sa pagiging semi-regular na lang. Tapos, nalaman niyang may nadagdag sa show dahil nag-hit ang unang project. Parang unfair daw sa mga naalis at nalagay sa semi-regular ang status.
Kung si Mark lang ang masusunod, ayaw niyang may maalis sa SAS dahil lahat naman daw ay nag-i-effort na makapag-contribute para mapaganda ang show.
On the other hand, masaya si Mark at si YasÂmien Kurdi sa posibilidad na bumalik sa GMA 7 si Rainier Castillo. Kahapon, nag-taping ang batch 1 ng Starstruck sa Basta, Every Day Happy kasama si Rainier. Ang alam niya, ipinatawag na rin ito ng management para siguro muling ikontrata.
Yasmien at Jennylyn nandiri sa kanilang halikan
Si Yasmien Kurdi ang unang naka-eksena ni Martin del Rosario sa first taping day ng aktor sa Rhodora X.
Ngayon lang nakatrabaho ni Yasmien si Martin at okay naman daw ito, saka ang common friend nilang si Denise Laurel ang nagsilbing koneksyon ng daÂlawa. Nakasama ni Yasmien si Denise sa Click dati at nakasama naman siya ni Martin sa ABS-CBN.
Nakakatawa palang ikinuwento ni Yasmien ang naging reaction niya sa CPR scene nila ni Jennylyn sa Rhodora X and in the process, nagkahalikan sila. Parang diring-diri sa pagkukuwento si Yasmien nang maglapat ang labi nilang dalawa at naramdamang parang nandiri rin si Jennylyn.
Agad daw siyang humiwalay at sa take two, tinakpan niya ng buhok ang eksena nila para kunwari sini-CPR pa rin niya si Jennylyn. Pero dahil sa eksenang ‘yun, payag si Yasmien na tunay na maka-kissing scene si Jennylyn, hindi na sila magkakahiyaan dahil nagkaroon na ng praktis.
Natalong ‘Pinay sa Next Top Model ibini-build up na maging Georgina Wilson
Isa sa mga talent ni Jojie Dingcong na kasama niya sa pagpirma ng co-management deal with Viva Entertainment ay si Katarina Rodriguez. Hindi man artista, kilala ang dalaga dahil muntik itong manalo sa Asia’s Next Top Model at isa nang sikat na ramp, print, and commercial model.
Nothing to worry ang fans ni Katarina na ayaw siyang pag-artistahin dahil sa ngayon, hindi pa siya ipapasok sa showbiz ni Jojie, sa commercial at moÂdeling pa rin ito at ang packaging ay mala-Georgina Wilson. Si Georgina, kahit hindi gumagawa ng moÂvies at walang regular TV shows, sikat na sikat.
Kabilang pa sa bagong talents ni Jojie ang broÂther ni Katarina na si Nikko Rodriguez na may hawig kay Phil Younghusband. Binanggit din ng talent manager sina Anton Mercado, Mark Meily, at Govi Lloyd na isa raw hunk.
- Latest