MANILA, Philippines - Muling pinatunayan ng Kapamilya stars na sina Kuya Kim Atienza, Karylle, at Matteo GÂuidicelli ang kanilang dedikasyon sa pagsulong ng edukasyon sa pamamagitan ng pangunguna sa DZMM Tulong Na, Tabang Na, Tayo Na, Takbo Na color fun run kasama ang libu-libong kalahok kamakailan.
Kabilang sila sa 3,050 na kalahok sa fun run ngayong taon na layong maglikom ng pondo para tulungang mapag-aral ang mga estudÂyanteng nasalanta ng bagyong Yolanda pati na ang ibang DZMM scholars. Matatandaang noong 2013 ay sumali rin sina Kuya Kim, Karylle, at Matteo sa DZMM Takbo Para sa Karunungan na mayroon ding temang pang-edukasyon.
Hindi man nakatakbo dahil sa kanyang knee injury, nagsilbi namang isa sa hosts si Matteo sa progÂram pagkatapos ng fun run ngayong taon.
Dumalo rin sa event ang It’s Showtime host na si Eric ‘Eruption’ Tai, Diana Zubiri at Roxanne Barcelo, Luv U cast members na sina Sharlene San Pedro, Jairus Aquino, at Alexa Ilacad, at models na sina Will Devaughn at Andy Smith, kasama ang DZMM anchors na sina Julius Babao, Cory Quirino, Winnie Cordero, Ahwel Paz, Carl Balita, Traffic Angel Tina Marasigan, DZMM Radyo Patrol reporters, at ilang M.O.R. 101.9 DJs.
Samantala, pinangunahan naman ng The BÂiggest Loser Pinoy Edition Doubles grand wÂinner na si Bryan Castillo, kasama ang kanyang dating co-contestants ang warm-up exercises ng nasabing fun run.
Talaga namang nag-enjoy ang lahat ng kalahok lalo na sa pagsaboy sa kanila ng colored powder at sa isang higanteng inflatable slide.
Inorganisa ang event ng Run Rio sa pangunguna ng running coach na si Rio Dela Cruz kasama ang ABS-CBN Lingkod Kapamilya Foundation bilang proponent, at suportado ng Taguig city government.
Sinimulan ng DZMM ang pagkakaroon ng fun run noong 1999.