^

PSN Showbiz

Kahit in love na in love, Jake at Andi hindi pa rin makalantad

- Veronica R. Samio - Pilipino Star Ngayon

Buti na lamang at nauna nang magpahayag si Antoinette Taus na bukod sa pagiging magkaibigan na nagsimula nung mga bata pa sila, ay walang relasyon ang kanyang kapatid kay Andi Eigenmann. Kundi ay baka mapagbintangan pa si Tom Taus na nang-aagaw ng girlfriend ng may girlfriend. Obviously ay hawak pa rin ni Jake Ejercito ang karapatan kay Andi dahil nakita na naman silang magkasama sa Boracay. Bakit naman kasi pinipigilan pa ang relasyon ng dalawa eh nasa tamang edad na naman sila para pumili ng kanilang makakasama? Itatago na lamang ba nina Andi at Jake ang kanilang relasyon, pero hindi bibitawan na gaya nang nangyayari ngayon? Sana nga magawa nilang ipaglaban ang kanilang relasyon at hindi ‘yung nagtatago sila na parang mga kriminal.

Baywalk Bodies tsinugi na, pinalitan ng Batchmates

I’m sure the Batchmates was formed and molded sa kasikatan ng unang grupo na pinalitan nila at binuo ng kanilang manager na si Lito de Guzman, ang Baywalk Bodies. Inabot nang unang grupo ang kasikatan na minimithi nila, pero dahil magaganda rin kung kaya sa kalaunan, isa-isa na silang na-win ng mga nagmamahal sa kanila at kinalimutan na ang career. Isa na lamang sa kanila ang natira, si Vassy, dating Camay Cojuangco sa Baywalk Bodies, na ngayon ay isa sa anim na naggagandahang babae at pagka­seseksi na sumasayaw at kumakanta. Naglalayon ang grupo na kundi man mapalitan ang Baywalk Bodies ay malampasan ang kasikatan na tinamasa nila. May advantage sila, dahil walang itulak kabigin sa kanilang anim sa ganda. Lahat sila ay kumakanta at mahihiya ang Sexbomb sa galing nilang sumayaw.

Bagaman at ang unang bubulaga sa mga makakapanood sa kanila ay ang mga nagmumura nilang mga boobs, sinabi ng grupo na wala ni isa man sa kanila ang dumaan sa kamay ng doktor para magkaroon ng ganun kalulusog na dibdib.

Pero may isang dermatologist na nag-aalaga sa kanilang mga balat, mukha, at katawan. Katuna­yan, saan man sila mapunta ay panay ang pasasalamat nila rito. Binibigyang kredito nila ang mga push-up bra para sa kanilang kapansin-pansin na boobs.

Ang isa pang miyembro ng Batchmates na isang taong itinago ng kanilang manager na hinasa sa pagsayaw at pagkanta ay si Aura na galing sa grupo ni Mocha. Dalawa sana sila na siyang unang gagawan ng grupo ni Lito de Guzman, pero nag-decide ang isa na bumalik sa Mocha Girls kaya nasira ang plano na bumuo ng dalawang grupo. Si Aura ay naiwan para makasama ng Batchmates. Ang apat pa ay sina Jonah, dating miyembro ng isang banda, Cath, Sophie, at Marie.

Hindi lamang nagkaroon ng launching ang Batchmates nung Lunes ng hapon sa Padi’s Point Morato, inilunsad din ang kanilang una at self-titled album na iri-release ng PolyEast Records. Hindi mga novelty songs ang nilalaman ng album kundi mga danceable songs tulad ng Feel Like Dance, isang revival, Boom Boom Para Boom, ‘Di Na Mahal, Giling, at Hora. Mga komposisyon ito ni Kasuhiro Watanabe, composer din ng MYMP. Ang ibang kanta, lalo na ‘yung mga Tagalog, ay gawa ni Blanktape.

Bagaman at kalulunsad lamang ng Batchmates, nanggaling na sila sa maraming bansa sa labas ng Pilipinas tulad ng Singapore at Malaysia. Sa kasalukuyan ay umiikot sila sa lahat ng branches ng Padi’s Point. Ilan sa kanila ang napapanood na rin sa mga palabas sa telebisyon.

Hindi naman bawal sa kanila ang mag-artista, isang paraan ito para makilala sila individually at makita rin ang iba pa nilang talento. Ang kabawal-bawalan nilang gawin, at ito ay nakasaad sa kanilang kontrata, ay ang pakikipag-relasyon o pagkakaroon ng boyfriend.

Deniece biglang kinaawaan nang sumuko

Medyo marami ang nakaramdam ng awa sa ginawang pagsuko ni Deniece Cornejo sa mga may kapangyarihan. Katulad ng dalawang kasamahan niya na nauna nang nailagay sa kustodiya ng mga pulis, ay nakaposas din ito at walang bahid ng anumang emosyon habang patungo sa Camp Crame. Dito na siya nagpalipas ng magdamag sa isang napakasikip na kulungan kasama ang ilan pang bilanggong babae.

Kinabukasan ay dinala siya sa Taguig RTC at habang sinusulat ito ay hindi pa alam kung mapagbibigyan ng kahilingan ng kanyang abogado na makalaya siyang pansamantala sa pamamagitan ng piyansa. Isang non-bailable offense ang kinasasangkutan niyang illegal detention bagaman at kini-claim niya na walang mabigat na ebidensya sa kanya sa kasong ito.

Samantala sa isang mensahe ng popular na abogado na si Atty. Ferdinand Topacio sa mga kaibigan niya sa entertainment press, sinabi nito na hindi niya kliyente si Deniece Cornejo. Inalalayan lamang niya ang ginawa nitong pagsuko bilang paggalang sa matagal nilang friendship ng lolo nito na si G. Rod Cornejo. May abogado na raw ang akusado na kayang-kayang ipagtanggol ang dalaga sa kinahaharap nitong kaso.

Hollywood film ni Anne ipalalabas na

Napapanood na ang teaser ng Hollywood film na ginawa ni Anne Curtis, ang Blood Ransom na idinirek ng FilAm na si Francis dela Torre. Siya rin ang nagdirek ng pelikula na ginawa ni Jericho Rosales nung 2011, ang Subject: I Love You.

Ang Blood Ransom ay isang suspense thriller tungkol sa isang kidnapping plot na sangkot sina Anne at ang kapareha niyang si Alexander Doetsch.

Eugene tumanggap ng award sa Italy

Buti na lang at andun si Eugene Domingo sa awards ceremony na ginanap para sa Udine Far East Film Festival sa Italy, kundi baka walang tumanggap ng award para sa Mga Kuwentong Barbero (Barbers’ Tale) na tumanggap ng 3rd place Audience Award sa nasabing festival. Wala ang director nitong si Jun Lana na abala sa kanyang mga trabaho rito dahil sa pagpapalabas ng kanyang pelikulang So It’s You ng Regal kaya nalagay sa balikat ng artista niyang si Eugene ang pagiging kinatawan ng pelikula. Napaiyak pa si Eugene dahil SRO ang sinehang pinagtanghalan nito, sa dulo ay tinayuan ito ng mga manonood at pinalakpakan hanggang sa matapos ang credits.

Naipalabas na rin sa Tokyo Film Festival ang pelikula kung saan ay nanalo namang Best Actress si Eugene.

BATCHMATES

BAYWALK BODIES

DENIECE CORNEJO

ISANG

KANILANG

PARA

SILA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with