Nakinig sa payo ng lolo Deniece isinuko ang sarili

Nag-rejoice ang fans ni Vhong Navarro nang malaman nila ang boluntaryo na pagsuko kahapon ni Deniece Cornejo kay PNP Director General Alan Purisima sa Camp Crame.

Sinamahan si Deniece sa Camp Crame ng kanyang mga kamag-anak.

May mga balita na nagtago si Deniece sa Boracay noong tinutugis siya ng NBI agents pero hindi pa kumpirmado ang kumalat na tsismis.

Sa rami ng mga bakasyonista sa Boracay, imposible na walang naka-recognize kay Deniece.

Hindi pa malinaw kung saan ikukulong si Deniece bilang non-bailable ang serious illegal detention case na kinakaharap niya.

Malalaman natin ngayon kung sisipot din siya sa pre-trial kina Cedric Lee at Zimmer Raz.

Matagal nang hinahanap si Deniece ng NBI agents. Natagalan ang kanyang pagsuko at may mga haka-haka na sumuko si Deniece sa batas dahil pinakinggan niya ang pakiusap ng kanyang lolo na si Rod Cornejo.

Iba pang wanted sa kaso ni Vhong, dapat tularan si Deniece

Dapat tularan si Deniece nina Jed Fernandez at Ferdinand Guerrero na wanted din ng batas dahil sa serious illegal detention kay Vhong.

Kung nagawa ng isang babae na katulad ni Deniece ang sumuko, magagawa rin ito nina Jed at Ferdinand.

Ngayon ang pagkakataon nila na i-prove sa lahat na inosente sila sa serious illegal detention case na ibinibintang sa kanila. 

Bakit kaya kay Purisima sumuko?

Dahil sa boluntaryo na pagsuko ni Deniece, malalaman na natin ang mga nangyari sa kanya at ginawa niya bago siya nagdesisyon na hingin ang tulong ni Director Alan Purisima.

Siyempre, mangungulit ang mga miyembro ng media. Tiyak na uusisain nila si Papa Alan kung bakit ito ang pinili ni Deniece na lapitan.

Atty. Topacio itinanggi si Deniece

Si Atty. Ferdie Topacio ang nagsabi na may prior arrangement para sumuko si Deniece sa opisina ni General Purisima.

Sa report ng GMA News, nilinaw ni Papa Ferdie na legal counsel siya ng pamilya ng Cornejo, hindi ni Deniece.

Si Papa Ferdie ang source ng balita na mga kamag-anak ang kasama ni Deniece nang umapir ito sa opisina ni General Purisima.

Hindi raw muna pinapasok ang mga reporter sa office ni Papa Alan nang dumating dito si Deniece.

In fairness kay Papa Alan, nagpatawag siya ng presscon kahapon at sinagot ang mga question ng mga reporter na uhaw na uhaw sa kumpletong detalye ng pag-surrender ni Deniece.

Show comments