Julie Anne bibigyan na ng bagong ka-love team
Naniniwala kami sa buying powers ng fans ni Julie Anne San Jose at kung nagawa ng fans nito na 9x platinum ang kanyang album, kaya rin nilang bumenta nang husto ang Careline cosmetics.
Natuwa si Julie Anne nang malamang based sa survey ng owners ng Careline ang pagkuha sa kanÂya bilang endorser. May dalawa pang pinagpiÂlian buÂkod sa kanya, pero lumabas sa survey na siya ang gusto ng respondents na magdala sa produkto. May kasamang TVC ang launching kay Julie Anne na bagay sa kanya ang concept.
Bukod sa bagong endorsement, aabangan din ng fans ang release ng bagong album ni Julie Anne na sa papasok na linggo raw ang release. Ang soap naman niya ay sa third quarter ng 2014.
Kung ganu’n, mauuna siyang mapanood sa dance/talk show ni Marian Rivera dahil kasama raw si Julie Anne at may sarili siyang segment. Ano ang feeling niya tungkol dito?
“Talaga? Hindi ko pa alam ang tungkol diyan, pero kung totoo man, masaya ako. I would love to work with Marian. Sana matuloy!,†excited na sabi ni Julie Anne.
Ang dagdag pang tsika, bibigyan siya ng bagong ka-love team ng GMA 7, kaya patas na sila ni Elmo Magalona na happy kay Janine Gutierrez na kapareha niya sa Villa Quintana.
Viva may mga bagong ‘hot men’
Sa May 7, na ang contract signing ng Viva Entertainment at JLD Productions ni Jojie Dingcong para sa co-management deal nila sa 14 talents ni Jojie na karamihan ay bago.
Aminado si Jojie na hindi na niya kayang mag-manage ng maraming talents dahil kina Derek Ramsay, Matteo Guidicelli, Bianca Manalo, Edward Mendez at Paolo Ballesteros ay busy na siya. Kaya nang muli siyang lapitan ni Mr. Vic del Rosario na magsanib-puwersa sila, hindi na siya tumanggi. Sabi ni Jojie, two years din siyang niligawan ni boss Vic para sa co-maÂnagement deal.
Mga bago ang narinig naming pangalang new taÂlents ni Jojie at tila puro sosyal at Inglesero dahil may Fil-Australian, may galing sa Ateneo at kasama pa rin sina Gerald Sison at John James Uy. Karamihan sa talent ni Jojie ay lalaki kaya raining men ang drama sa Viva office sa Wednesday.
Christian magaling na ‘multo’
Nag-enjoy kami sa Ghost The Musical tampok sina Christian Bautista at Cris Villonco. Hindi na namin inintindi ang mixed reviews na nababasa. Nakiiyak din kami sa ibang nanood ng musical towards the end, noong last time nagpakita si Sam (Christian) kay Molly (Cris).
Ang huhusay ng cast at hinihintay na kantahin ang Unchained Melody, pero ang pinakagusto namin ay ‘yung mala-rock version ni Christian while playing the guitar.
Isa sa best compliment para sa amin para kay director Bobby Garcia ang comment ng nasa harapan namin na gusto niyang ma-in love uli after watching Ghost The Musical. Kami ng mga kasama naming nanood, gustong muling mapanood ang movie nina PaÂtrick Swayze at Demi Moore.
Maraming kissing scenes sina Christian at Cris, kaya biniro namin si Girlie Rodis na manager ni Cris at mom nitong si Monique Siguion-Reyna na magkaka-developan ang dalawa kahit hindi pa tapos ang run ng musical.
Noong nasa stage sila to acknowledge the audience, hinalikan ni Christian sa lips si Cris at hindi kami sure kung part pa ‘yun ng script. Parehong single ang dalawa, kaya hindi imposible ang naisip namin.
Salamat pala sa nagbigay ng complimentary ticket sa amin na itago natin sa initial na RD. Baka kasi marami ang manghingi ng compli ticket sa kanya ‘pag binuo namin ang kanyang pangalan at makagalitan ng mga producer
- Latest