^

PSN Showbiz

Sam nakalimutan nang ma-in love pagkatapos ni Anne

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Ano kaya ang dahilan, Salve A. sa parehong pag-atras nina Sam Milby at Jake Cuenca sa panunuyo sa Kapamilya young star na si Jessy Mendiola?

Parehong gumi­b-ap sina Sam at Jake sa panliligaw kay Jessy.

Pagkatapos ng Maria Mercedes, may bagong teleseryeng sisimulan si Jessy kung saan niya makakatambal for the first time si Xian Lim.

Samantala, matagal-tagal na ring walang karelasyon si Sam magmula nang sila’y mag-break ni Anne Curtis na masayang-masaya ngayon sa relasyon nito kay Erwan Heussaff, youn­ger brother ng model-singer-actress na si Solenn Heussaff.

Nanligaw din noon si Sam kay Toni Gonzaga na napunta naman kay Direk Paul Soriano.

Heart dedma na sa nanay at tatay

Hindi pa sa taong ito mangyari ang inaabangang kasalan sa pagitan nina Sen. Chiz Escudero at Heart Evangelista.

Sa kabila nang pagtutol ng mga magulang ni Heart kay Sen. Chiz, hindi ito magiging hadlang sa kanilang planong pagpapakasal.  Annulled na ang kasal ni Sen. Chiz sa kanyang dating misis na si Christine Flores kung kanino siya may kambal na anak pero may kaila­ngan pang ayu­sing dokumento sa kasal nila sa simbahan.

Marian naatat na sa dance show

Malapit nang magtapos ang Carmela ng Kapuso primetime queen na si Marian Rivera at habang pi­naghahandaan ang pagtatapos ng teleserye, pinaghahandaan na rin ng GMA at ni Marian ang kanyang susunod na programa sa Kapuso Network. Hindi ito bagong teleserye kundi isang dance show which excites Marian.

Samantala, patuloy pa ring inaabangan ng publiko ang marriage proposal ni Dingdong kay Marian.

Carla at Tom hindi type ang isa’t isa

May pelikula sina Carla Abellana at Tom Rodriguez, ang So It’s You na dinirek ni Jun Lana under Regal Films kaya hindi kataka-taka na ma-link ang dalawa. Kapag na­ipalabas na ang  pelikula at pa­tuloy pa ring pinag-uusapan ang dalawa, malamang na may bahid ng katotohanan ang mga lumulutang na balita.

Parehong nanggaling sa break-up sina Carla at Tom, ang una sa nobyo nito of four years na si Geoff Eigenmann at si Tom naman kay K-La Rivera. Nang tanungin ang dalawa tungkol sa posibi­lidad na sila’y magkainlaban, anything daw is possible pero ayaw umano nilang pangunahan ang panahon dahil pareho pa silang nasa stage ng `healing’ process.

ANNE CURTIS

CARLA

CARLA ABELLANA

CHIZ

CHIZ ESCUDERO

CHRISTINE FLORES

DIREK PAUL SORIANO

ERWAN HEUSSAFF

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with