^

PSN Showbiz

Kapalaran ni Wowie natulad kay Camille

RATED A - Aster Amoyo - Pilipino Star Ngayon

Tulad ng actress-TV host na si Camille Prats na maagang nabalo sa edad na 25 sa mister niyang si Anthony Linsangan na sumakabilang-buhay nung 2011, ang dating miyembro ng Universal Motion Dancers (UMD)-turned actor na dating ka-love team ni Judy Ann Santos, Wowie de Guzman ay maaga ring naging balo sa pagpanaw ng kanyang 26-year-old wife na si Sheryl Ann Reyes nung nakaraang Sabado, April 26, isang buwan matapos isilang ang kanilang first baby daughter na si Alex Rafael last March 27.

Sina Wowie (37) at Sheryl Ann (26) ay ikinasal nung July 2013.

Masakit man ang pinagdaraanan ngayon ni Wowie, kailangan niyang magpakatatag alang-alang kay Alex (ang isang buwan nilang anak ng asawang namayapa).

Julie Anne tinuhog ang mga kiddie contest noon

Ang 19-year-old Kapuso star na si Julie Anne San Jose ang pinakabagong celebrity endorser ng cosme­tic line na Careline, sister product ng Ever Bilena.

Ang formal media launch ay ginanap last Wednesday (April 30) ng tanghali sa Max’s Restaurant in Scout Tuazon, Quezon City in the presence of Ever Bilena’s big bosses Dioceldo Sy and Silliman Sy.

At an early age ay kinakitaan na si Julie Anne ng hilig sa pagkanta at pag-arte kaya sa edad na tatlo ay sumali siya sa Little Miss Philippines ng Eat Bulaga kung saan siya naging finalist. Hindi man siya nanalo sa nasabing pa­timpalak, hin­­di rin siya nawalan ng pag-asa. Muli siyang sumali sa Little Miss U ng ABS-CBN at nanalo siyang 3rd runner-up. Sumali rin si Julie Anne sa Popstar Kids at dito nabuo ang kanilang grupong Sugarpop. 

Nakagawa ng dalawang album ang Sugarpop, ang kanilang self-titled al­bum na Sugarpop at Sugarpop Repackaged. Naging hosts din ang kiddie group ng Planet O sa dating QTV11 now GMA News TV at napasama rin sila sa dating musical va­riety show ng GMA na SOP.

Taong 2008 nang mabigyan si Julie Anne ng kanyang acting debut sa pamamagitan ng afternoon TV series na Gaano Kadalas ang Minsan and in 2011 ay ni-launched naman siya bilang solo artist at siya’y napabilang sa Party Pilipinas now Sunday All Stars.  In July 2011, naging front act si Julie Anne sa concert ng American Idol runner-up na si David Archuleta.

February 2012 nang siya’y lumagda ng recording contract with GMA Records at first album niya ang kanyang self-titled debut album na umabot sa quadruple platinum.  Hango sa kanyang first solo album ang hit song na I’ll Be There.

First lead role ni Julie Anne ang weekly show na Together Forever at ni-launched naman ang kanilang tambalan ni Elmo Magalona sa pelikula sa pamamagitan ng Just One Summer na produced ng GMA Films.

Turning 20 sa kanyang nalalapit na kaarawan on May 17, si Julie Anne ay kasaluyang napapanood sa dalawang show ng GMA.

 

ALEX RAFAEL

AMERICAN IDOL

ANNE

ANTHONY LINSANGAN

BE THERE

EVER BILENA

JULIE

JULIE ANNE

SUGARPOP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with