Angel, nag-sorry na naudlot ang honeymoon ni Jericho

Kahapon ay nagpakasal na sina Jericho Rosales at Kim Jones. Isang private beach wedding ang naganap sa Boracay island na dinaluhan ng mga kapamilya at malalapit na kaibigan ng dalawa.

Kamakailan ay nabanggit ni Jericho sa isang pahayag na hindi muna sila makapagho-honeymoon ng asawa dahil marami pa s­iyang kailangang gawing trabaho para sa teleseryeng The Legal Wife. Ayon kay Angel Locsin na kasamahan ng aktor sa nasabing proyekto ay humingi raw siya ng paumanhin kay Jericho dahil sa hindi pagkakaroon kaagad ng honeymoon ng bagong kasal. “Si Echo grabe magtrabaho ‘yan, iba talaga. Actually nahihiya kami sa kanya, wala siyang honeymoon. After ng wedding, babalik siya agad sa taping kasi kailangan naming gumawa ng eksena para may maiere kami. ‘Yung wife rin niya, si Kim, napaka-understanding,” nakangiting pahayag ni Angel.

“I’m sorry kasi hindi kayo makakapag-honeymoon. Pagkatapos ng Legal Wife, hindi pa naman diyan natatapos iyan. I’m sure gagawa kayo nang paraan,” dagdag ng aktres.

Nagbigay din ng mensahe si Angel para sa bagong kasal. “Echo and Kim, congratulations sa inyo and sana masulit n’yo ang pagsasama n’yo. Ang cute n’yo together sobra. Kita talaga ang happiness ni Echo, ‘yung pagiging proud niya kay Kim,” pagtatapos ng dalaga.

Antoinette nagsalita sa relasyon nina Tom at Andi

Itinanggi ni An­toinette Taus na may espesyal nang namamagitan sa kanyang kapatid na si Tom at ang aktres na si Andi Eigenmann. Napabalita kamakailan na nagkakamabutihan na diumano sina Tom at Andi dahil sa mga larawang  lumabas na magkasama ang dalawa. Para kay Antoinette ay talagang magkaibigan lamang daw sina Tom at Andi. “Honestly talaga, they are just childhood friends. Parang ginagawan lang ng issue because they have been hanging out, which ako din naman, I’ve been hanging out with her because I’ve known her since she was a little girl. So no, they are not together,” giit ni Antoinette. “They are good friends, they are hanging out that’s it. Binibigyan lang ng kulay ng people of the world,” dagdag pa niya.

Samantala, mananatili na raw talaga sa Pilipinas ang aktres ngayon. “Dapat bakasyon lang talaga and then now parang sa lahat ng mga nangyayari, parang nag-snowball effect so I’m staying. I’m staying na talaga. Before parang I wasn’t sure pero now staying na,” pagtatapat ni Antoinette.

Sampung taon na ang nakalilipas mula nang lisanin ng pamilya ng dalaga ang Pilipinas upang manirahan sa Amerika. Marami na raw natutunan ang aktres at nabago sa kanyang pagkatao dahil dito. “I learned a lot of things. I’m a different person because of those ten years in the States. I super really really want to get back to what I used to do, as in back in the game. Singing, acting and everything. I’m really excited for things to come,” paliwanag ni Antoinette. -Reports from JAMES CANTOS

Show comments