MANILA, Philippines - Palabas na sa mga sinehan sa Miyerkules, May 7, ang huling pelikula ng aktor na si Paul Walker na namatay sa car accident last year matapos ang isang fund-raising para sa mga biktima ng bagyong Yolanda sa bansa sa pamamagitan ng kayang Reach Out Worldwide organization. Hindi itinago nang namayapang aktor ang pagmamahal niya sa ating bansa kaya chance na natin ito para suklian naman ang kanyang mabuting kaluluwa sa pagpapalabas ng pelikula niyang Brick Mansions.
Ginagampanan ng aktor ang role ni Damien Collier, isang undercover cop na ipinadala sa Brick Mansions. Isang lugar kung saan nagsama-sama ang mga most dangerous criminals and ruled ng isang deadly drug lord, Tremaine. Pero nakakuha naman siya ng kakampi (David Belle), a fearless, acrobatic ex-convict na gustong i-rescue ang kanyang kinidnap na girlfriend. At doon nila nalaman na gusto ni Tremaine na wasakin ang buong siyudad, at para mailigtas nila, kailangan nilang magkasundo. Pero ang masaklap, mas fatal ang naging kapalaran nila kesa sa kanilang inaasahan.
Ang pelikula ay gawa ng producer din ng The Transporter and Taken kaya explosive action ang mapapanood sa pelikulang remake ng French Film, District 13.
Ayon pa sa produ ay puno ng stunts ang Brick Mansions na tinawag nilang Parkour - an art of moving through an environment as swiftly and efficiently as possible using only the human body to overcome obstacles. Ang French actor na si David Belle ang isa sa co-founders ng Parkour videos. According to Director Camille Delamarre (editor of Taken 2 & 3), David showed him many videos. “It is very impressive, a true spectacle done without special eÂffects or wires, performed by non-professionals who are unafraid to jump from one roof to another. It was clear that on top of being astonishing visually and physically, Parkour is a really authentic discipline and that’s what we tried to honor and show in this film.â€
Ayon sa mga nakatrabaho ni Paul noon, full of enthusiasm ang aktor na pag-aralan ang Parkour at naging proficient in front flips and standing back flips pa siya. Nabanggit niya nga sa interview niya noon : “I ultimately learned how to do a dive roll from eight feet.â€
Punung-puno rin daw ng car chases, gun fights, and plot twists, na siguradong magandang alaala sa fans ng aktor sa pelikulang naiwan niya.
Released by Viva International Pictures and MVP Entertainment-Philippines ang Brick Mansions.
Mga panget biglang naging in demand!
Hanggang ngayon pala ay showing pa rin sa ilang mga sinehan ang pelikulang Diary ng Panget. At so far, more than P130 million na raw ang kinikita ng romcom movie kaya certified super blockbuster ang pelikulang pinagbidahan ng Viva Artists Agency talents na sina Nadine Lustre, James Reid, Yassi Pressman, and Andre Paras.
Actually, bago pa man ito ipalabas sa mga sinehan, umabot na pala sa 3.5 million views ang nakuha ng teaser at full trailers ng pelikula in just two weeks, while the music video for the movie’s love theme, No Erase, a duet between James and Nadine, received over 1 million hits in just one week.
Naging top trending topics din sa social media for several days at hanggang ngayon actually sina James at Nadine at ang pelikula ay nagti-trend.
Naka-jackpot na naman ang Viva. Instant sikat ang apat na in demand na sa mga endorsement.