May kutob ako na hindi nakapag-selfie si Mother Lily Monteverde kay U.S. President Barack Obama dahil ipinagbawal pala ‘yun ng U.S. Secret Service sa mga bisita sa state dinner sa Malacañang Palace noong Lunes.
Three hundred ang invited guests sa state dinner at maraming mga bisita, imposible talaga na makapagpa-picture sila kay Papa Barack.
Aktor nag-iilusyong sikat na
Kaloka naman ang kuwento tungkol sa ilusyonadong aktor na nagbanta na hindi siya dadalo sa presscon ng pelikula niya kapag walang publicity guide tungkol sa kanya.
Eh hindi naman na-miss ang presence niya sa presscon dahil hindi siya ang bida ng pelikula.
Feeling sikat ang aktor na hindi positive ang image dahil sa mga eskandalo na kinasangkutan niya.
Julie Anne ka-leVel na si Toni
Late ako sa presscon kahapon ng Ever Bilena Cosmetics para kay Julie Anne San Jose, ang newest celebrity endorser ng Careline Cosmetics.
Nagsisimula na ang question and answer portion nang dumating ako.
Malaki ang iginanda ni Julie Anne mula nang huli kaming magkita. Careline Cosmetics pala ang sikreto ng beauty niya. Sa mga hindi updated, sister company ng Ever Bilena ang Careline Cosmetics.
Ka-level na ni Julie Anne si Toni Gonzaga na dating endorser ng Careline Cosmetics.
Hindi raw lilipat ng network, Julie Anne masaya sa Kapuso
Pinagtawanan ni Julie Anne ang intriga na tomboyita siya.
Ang sey ni Julie Anne, babaeng-babae siya. Baka raw napagkakamalan na tomboy siya dahil firing at archery ang hilig niya, mga sport na panlalaki.
Idinenay nga pala ni Julie Anne ang tsismis na lilipat siya sa ABS-CBN. Wala raw dahilan para mag-ober da bakod siya sa ABS- CBN dahil happy siya sa pag-aalaga sa kanya ng GMA 7.
Sa Indonesia pa ang product shoot, dating endorser ng beauty products laos na
Si Papa Deocildo Sy ang may-ari ng Ever Bilena at Careline Cosmetics.
Matagal na kaming magkakilala ni Papa Deocildo at siya ang nagsama sa akin noon sa Jakarta, Indonesia.
Very educational ang Jakarta trip namin ni Papa Deocildo dahil pumunta kami sa pagawaan ng mga beauty and laundry soap.
Lumipad kami sa Jakarta dahil dito nag-pictorial ang aktres na endorser ng mga beauty at laundry soap. Hindi ko na sasabihin ang name ng aktres dahil has-been na siya.