MANILA, Philippines - “Waaaah! Getting super nervous, but excited at the same time!†sabi ni Anne Curtis sa kanyang Instagram account para sa nalalapit na The Forbidden Concert: AnneKapal on May 16 sa Araneta Coliseum.
Pero pangako ni Anne, mas todo ang concert niyang ito dahil gagawin niya ang lahat. At dito, may mga stunt daw siya, yup stunts. At ang dami raw niyang outfits.
At super pasabog ang mga guest niya - Regine Velasquez, Martin Nievera, Ogie Alcasid, Billy Crawford, Vhong Navarro, Luis Manzano, at Robert Seña.
Imagine napagsama-sama sila sa concert ni Anne. Eh bakit wala kaya sa line up si Gary V?
Two years ago nang unang mapuno ni Anne ang Araneta – Annebisyosa – na aminado siyang isang gamble nang mag-decide sÂiyang mag-concert noon. Pero ayun tinalbugan niya ang mga totoong singer dahil jampacked ang Araneta noon.
The Forbidden Concert: AnneKapal is directed by Ms. Georcelle Dapat – Sy and musical director Mr. Marvin Querido. Tickets are available at Ticketnet outlets nationwide and through online at www.ticketnet.com.ph. For ticket inquiries, call Ticketnet: 911-5555 and VIVA Concerts at 687-7236. Ticket Prices are Patron A – P5,500; Patron B – P4,500; Patron C – P4,500; Upper Box A – P3,000; Upper Box B – P1,000 and General Admission – P500.
A Production of Viva Live and Annebisyosa Productions Inc.
Joey balik-sitcom after seven years
Ipinagpapatuloy ng TV5 ang pagpapalabas ng mga kakaibang programa sa pamamagitan ng pinaÂkabagong weekend primetime sitcom, ang One of the Boys, na magsisimula na ngayong Sabado, Mayo 3, 9:00 pm
Ayon kay JoAnn Banaga, Production Unit Head ng One of the Boys, “Ang mga manonood natin ngayon ay laging naghahanap ng mga bagong programang mag-e-entertain sa kanila, kung kaya’t ang pagpapalabas ng mga kakaiba at mahuhusay na shows ay laging pÂriority ng TV5. Ang sitcom na One of the Boys ay ang paraan namin para muling buhayin ang glory days ng mga primetime comedies.â€
Ang One of the Boys ay pangungunahan ni Joey de Leon, na balik sa paggawa ng sitcom matapos ang pitong taon. Bilang si Daddy Jerry ‘DJ’ Silang, gagampanan ni Joey ang role ng isang hardworking at single father sa kanyang tatlong anak. Dati siyang OFW mula sa London, na ngayon ay nakabalik na sa bansa at tinuturing na pangalawang ama ng mga taong nakapaligid sa kanya, lalo nang mga trabahador sa kanyang maliit na talyer.
Ang karakter ni Joey ay malapit sa kanyang nag-iisang babaeng anak, na ginagampanan naman ni Eula Caballero bilang Gabriella ‘Gabi’ Silang. Si Gabi ay lumaking nag-iisang babae sa pamilya na pawang kalalakihan ang nasa paligid pero kilala rin bilang magaling na mekaniko at driver, para makatulong sa paÂmilya.
Tiyak ding maaaliw ang manonood ang ibang side sa limang hunk na kabilang sa grupong Juan Direction na kinababaliwan ng mga kababaihan ngayon, na bibida sa pag-aarte for the first time. Bilang mga Brinoys (half-British, half-Pinoys), na panguÂngunahan ni Dan Marsh as Daniel Lennon, kasama sina Charlie Sutcliffe as Charlie McCartney, Michael McDonnell as Michael Harrison, at Brian Wilson as Brian Starr, ang mga karakter nila rito ay mga spoiled brats mula sa London na ipinapadala sa Pilipinas ng magulang ni Charlie (ang mga dating amo ni Daddy Jerry) upang pagdaanan ang DJ’s lecture of life. Habang nasa Pilipinas, mararanasan ng mga Brinoys ng simpleng pamumuhay na magbibigay sa kanila ng iba’t ibang importanteng leksyon sa buhay. Ang pang-huling miyembro ng grupong Juan Direction, si Henry Edwards as Henry Potter, ay isa namang champion race car driver at siyang gaganap bilang kontrabida sa dating matalik na kaibigang si Dan.
Makikigulo rin ang komedyanteng si Empoy, na gaganap bilang Aga, ang ka-tandem ni Joey.
Kasama sa One of the Boys si Nadine Samonte bilang si Jana Haliwel at si Benjo Leoncio bilang si Kapitan Tayler.
Panawagan sa kamag-anak ni Ernie Pecho
Panawagan po sa kamag-anak ng veteran entertainment writer and Pang-Masa (PM) coÂlumnist na si Tito Ernie Pecho. KasalukuÂyan po siyang nasa Quezon City General Hospital.
Kung puwede raw po kayong pumunta. May sakit po siya at kailangan ng kamag-anak na makakasama. Puwede rin po kayong tumawag sa aming opisina. Salamat.