MANILA, Philippines – Hindi napigilang maluha ng child star na si Ryzza Mae Dizon sa birthday party ni Eat Bulaga host Vic Sotto noong Lunes, kung saan kabilang siya sa mga Dabarkads na sumorpresa kay Bossing sa show.
Ayon sa ulat ni Kata Tibayan ng “24 Oras,†naging emosyonal si Ryzza habang ibinibigay neto ang regalo niya kay Bossing.
“Binigyan ko po siya ng Best Daddy, Best TV Host, Best Bossing, Best Comedian, [at] Best Actor [awards],†wika ni Ryzza nang tanungin tungkol sa regalo niya kay Vic.
Nang tanungin kung ano ang “wish†niya para kay Bossing, ito ang sinabi ni Ryzza: “Bossing ang wish ko sa inyo tumagal pa po nang tumagal ang buhay n'yo, mga 300 years old po!â€
Dinaos ni Bossing ang ika-60 kaarawan nitong nakaraang linggo, April 28.