Kambal ng PBB dating taga-Walang Tulugan?

Masyadong maramig housemates na kinuha para sa PBB All In si Kuya. Labingwalo, at sa loob ng 100 days, parang hindi niya makakaya na bigyan ng equal time and opportunity ang lahat na makilalang lubos ng manonood.

Mukhang interesting pa naman ang mga housemates ngayon na pinaghalong gulang na teens na nag-iisa raw at walang kapareho sa mga umeereng franchise sa ibang mundo. I’m sure, marami ang interesado na makilala pa ang volleyball MVP na si Michelle Gumabao. Interesting din ang anak ng Kapamilyang si Phoemela Baranda, pero I’m sure tatalbugan silang lahat ni Alex Gonzaga na alam mo namang hindi magtatagal sa loob dahil kukuha lamang ng experience at para malubos ang qualification bilang host ng PBB dahil siya ang bukod tanging hindi dumaan sa pagi­ging housemate. I’m sure pakaaabangan ng manonood ang mga kuwento niya na kinatatakutan ng kapatid niyang si Toni na maibulalas niya.

I thought parang pamilyar ‘yung kambal na sina Fourth and Fifth. Hindi ba sila ang mga kapatid ni Chariz Solomon ng GMA at dating myembro rin ng Walang Tulugan ni Kuya Germs? Dapat hindi na nila ito itinatago dahil lalabas at lalabas din ito sa loob ng Bahay ni Kuya. Might as well sinabi na nila ito nung ipakilala sila.

Jake sobra ang pagmamahal kay Bea

Maswerte na si Bea Binene na kung gaano man kadalas ang pagkakagalit nila ng boyfriend niyang si Jake Vargas ay ganun din kadalas ang pagbabati nila. Bigyan natin ng kredito si Jake na dahilan sa sobrang pagmamahal sa mas nakababatang artista ay kaya nitong intindihin ang lahat nitong mood swing at tantrum. Palagi siyang may time dito at pag kaya ng kanyang sked ay lumalabas sila’t nag-i-enjoy. Hindi naman silang dalawa lamang, palaging kasama nila ang ina at kapatid ni Bea.

“Menor de edad pa si Bea kaya over protective sila bagaman at never ko sila binigyan ng dahilan para masabi na hindi ko iginalang si Bea,” ani Jake.

 

 

 

Show comments