Daniel namawis at hindi nakakanta nang makasama sa rehearsal si Rico

Bukas na magaganap ang pinakaaabangang concert ni Daniel Padilla sa Araneta Coliseum na may titulong DOS: The Daniel Padilla Birthday Concert. Napuno na rin ni Daniel ang nasabing venue sa u­nang concert ng binata noong isang taon.

Aminado si Daniel na mas kinakabahan siya nga­yon kumpara sa naunang concert kaya naman puspusan ang kanyang pag-eensayo. “’Yun po ‘yung ginagawa ko and sana ‘yun ang maipakita ko. Siyempre pero super practice. Kinakabahan ako eh. Mas kabado ako ngayon,” pagtatapat ni Daniel.

Isa sa magiging panauhin ng aktor sa show ay ang kanyang idolo na si Rico Blanco. Sa pag-eensayo pa lamang daw ng dalawa ay talagang kinabahan na si Daniel. “Nag-rehearsal kami, hindi ko kinayang kumanta. Medyo kinabahan ako eh. Kahit na alam ko medyo hindi ko na alam no’ng nandoon na siya eh. Medyo namawis ako, pero okay naman,” kwento ng aktor.

Marami pang ibang panauhin si Daniel sa kanyang concert katulad nina Kathryn Bernardo, Toni Gonzaga, Khalil Ramos, at Richard Yap.

Hindi rin siyempre mawawala ang sariling banda ng aktor na Parking 5. Samantala, noong Sabado ay nagdiwang ng kanyang ika-19 na kaarawan si Daniel.

Angelica proud GF sa bagong katawan ni JL

Proud na proud si Angelica Panganiban para sa kasintahang si John Lloyd Cruz. Maganda na ngayon ang katawan ng aktor dahil sumailalim ito sa six-week fitness challenge at 18 pounds na raw ang nabawas sa timbang ni John Lloyd.

Nag-post si Angelica sa Instagram ng larawan ng aktor na may caption na “I’m the proudest my love, good job. Welcome to the new you. Nakita ko since day one ang struggle mo. But eventually, naging lifestyle mo na siya. Minahal kita noon, at mahal pa rin kita sa bagong ikaw,” post ni Angelica.

Ayon kay John Lloyd ay na­kabuti raw sa kanya na parehong hindi sila mahilig kumain sa labas ni Angelica. “Actually hindi kami mahilig lumabas. Malaking adjustment lang kasi hindi mo nakakain ‘yung typical na gusto mong kainin because you’re under training, you’re under program. Kailangan talaga konting tiis,” paliwanag ni John Lloyd.

Kinabahan daw ang aktor sa launching ng kanyang bagong katawan sa pamamagitan ng produkto ng kanyang ineendorso sa Boracay kamakailan. “Siyempre naman, sino ba namang hindi ninerbyosin sa gano’n? First time ko pumasok sa ganitong klaseng challenge. I really enjoyed it. I had fun. Pero siguro ‘yung launch lang talaga nakakakaba kasi all eyes on you,” pagtatapos ng aktor.

Reports from JAMES C. CANTOS    

 

 

Show comments