MANILA, Philippines - Sa isang lugar sa Batangas, may pamahiing sinusunod ang ilan. NangaÂngahulugan daw ng kamalasan ang asong umaalulong. Ang asong naghuhukay naman ay nagbabadya raw ng kamatayan. Sa mga ganitong pagkakataon, ang ginagawa ng iba – kinakarne ang aso.
Matadero si Mang “Baldo.†Aminado siyang nakapagkatay na siya ng aso. Sa mga salu-salo na kanyang napuntahan, hindi raw nawawala sa handaan at inuman ang paborito nilang putahe – adobong aso. Sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan, tiyak hindi rin daw mawawala ito.
May basehan man o wala ang paniniwala nina Mang “Baldo,†ilegal ang pagkatay ng aso. Sa ilalim ng Animal Welfare Act, ipinagbabawal ang pagpatay o pagpapahirap sa aso ng walang sapat na dahilan. May kaukulang parusa sa sinumang lumabag sa batas.
Tunghayan ang dokumentaryong Ang Adobo ni Mang “Baldo†sa Front Row ngayong Lunes, Abril 28, pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.