^

PSN Showbiz

Adobo ni Mang Baldo ipinagbabawal

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa isang lugar sa Batangas, may pamahiing sinusunod ang ilan. Nanga­ngahulugan daw ng kamalasan ang asong umaalulong. Ang asong naghuhukay naman ay nagbabadya raw ng kamatayan. Sa mga ganitong pagkakataon, ang ginagawa ng iba – kinakarne ang aso.

Matadero si Mang “Baldo.” Aminado siyang nakapagkatay na siya ng aso. Sa mga salu-salo na kanyang napuntahan, hindi raw nawawala sa handaan at inuman ang paborito nilang putahe – adobong aso. Sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan, tiyak hindi rin daw mawawala ito.

May basehan man o wala ang paniniwala nina Mang “Baldo,” ilegal ang pagkatay ng aso. Sa ilalim ng Animal Welfare Act, ipinagbabawal ang pagpatay o pagpapahirap sa aso ng walang sapat na dahilan. May kaukulang parusa sa sinumang lumabag sa batas.

Tunghayan ang dokumentaryong Ang Adobo ni Mang “Baldo” sa Front Row ngayong Lunes, Abril 28, pagkatapos ng Saksi sa GMA 7.

 

ABRIL

AMINADO

ANG ADOBO

ANIMAL WELFARE ACT

BALDO

BATANGAS

FRONT ROW

SAKSI

TUNGHAYAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with