Ang 37-year-old Taiwanese star na si Barbie Shu na mas kilala ng kanyang fans sa Pilipinas bilang si San Chai ng Taiwan’s hit TV series Meteor Garden na kung makailang ulit nang ipinalabas ng ABS-CBN dubbed in Tagalog, ay isa nang ganap na ina. Si Barbie o San Chai sa kanyang mga tagahanga ay nagsilang ng kanyang first baby (girl) sa kanyang husband na si Wang Xiaofei, isang young businessman. Ang baby girl na tinatawag ni Barbie na Little San Chai ay isinilang via caesarian section last Thursday, April 24, 2014 sa ganap na ika-3:30 ng hapon sa isang undisclosed hospital in Taiwan.
Tuwang-tuwa ang mag-asawang Barbie at Wang sa kanilang unang baby at walang mapagsidlan ang kanilang kaligahayan. Sina Barbie at Wang ay ikinasal noong November 16, 2010 sa pamamagitan ng isang civil ceremony sa Beijing, China matapos ang 20 araw na courtship. Nagkaroon naman ng wedding banquet sa Hainan Island nung March 22, 2011.
Samantala, ano kaya’t mag-create ang ABS-CBN ng local version ng Meteor Garden. Sa rami nilang contract stars, napakarami nilang qualified candidates. Bagay kay Daniel Padilla ang role ni Jerry Yan na may pagka-rough, si Enrique Gil naman sa role na ginampanan ni Vic Zhou at ang dalawa pa ay puwedeng sina Sam Concepcion at iba pang young actors ng Kapamilya Network. For sure ay magiging malaking hit ito sa mga televiewers. Puwede naman sina Kathryn Bernardo o ‘di kaya si Julia Barretto ang gumanap sa role ni Barbie Shu.
Ano sa palagay mo, Salve A.?
Tom affected pa sa hiwalayan nila ng GF
Personal na pinabulaanan ni Carla Abellana ang mga lumabas na balita na nakita umano siyang lasing sa isang kilalang resto-bar at ang una umano nitong tinawagan ay ang kanyang co-star sa nagtapos na serye na My Husband’s Lover at soon-to- be shown movie na So It’s You ng Regal Entertainment na si Tom Rodriguez.
Kung personal nang inamin on national television ni Carla ang split-up nila ng kanyang boyfriend of 4 years na si Geoff Eigenmann, split na rin si Tom sa nobya nitong si K-La na ang sinasabing dahilan ay ang kanilang busy schedule at pagpu-focus sa kanilang respective careers since pareho pa silang bumubuo ng kani-kanilang career.
Nang tanunin sina Carla at Tom kung puwede ba silang ma-in love sa isa’t isa since pareho na silang libre, “anything is possible†ang naging sagot ng dalawa.
Parehong may pinagdadaanan ngayon sina Carla at Tom pagdating sa usaping puso pero mukhang nakapag-move on na si Carla habang si Tom naman ay mukhang apektado pa pagdating sa usapin sa kanila ng kanyang (ex) girlfriend.
Samantala, base sa full trailer at behind the scenes ng So It’s You, maganda ang pagkakagawa ng writer-director na si Jun Lana sa romantic-comedy movie.