^

PSN Showbiz

Cedric hindi natunugang bayan ni Direk Chito ang Samar

TAKE IT TAKE IT! - Lolit Solis - Pilipino Star Ngayon

Birthday ngayon ng direktor na si Chito Roño kaya binabati ko siya ng “Maligayang kaarawan!”

Sure ako na literal na maligaya si Chito at very meaningful ang kanyang birthday dahil naaresto na ng NBI ang dalawa sa mga akusado sa pambubugbog kay Vhong Navarro, ang businessman na si Cedric Lee at ang friend nito na si Zimmer Raz.

Poetic justice ang nangyari dahil taga-Samar si Chito at nahuli sa taniman ng niyog sa Samar sina Cedric at Zimmer.

May koneksyon si Chito sa kaso dahil ito ang manager ni Vhong at apektadung-apektado siya sa nangyari sa kanyang alaga. Sa rami ng lugar na pupuntahan, bakit nga ba sa Samar pa nagtago sina Cedric at Zimmer?

Wala bang nagsabi sa kanila na Roño country ang Eastern Samar?

Nagpasalamat naman si Vhong sa NBI, sa mga pulis ng Eastern Samar, sa kanyang lawyer at kay Papa Tony Calvento nang mahuli sina Cedric at Zimmer noong Sabado.

Buhay na buhay na ang pag-asa ni Vhong na magkakaroon ng hustisya ang ginawa sa kanya ng grupo ni Cedric.

Napapanood natin si Vhong na nagpapatawa sa TV pero deep inside, may trauma pa rin siya sa nangyari. Hindi madali ang kanyang mga pinagdaanan dahil apektado rin ang buong pamilya niya. Kahit nakakulong na ang mga akusado, hindi basta mawawala ang takot na nararamdaman ni Vhong para sa sarili at sa kanyang pamilya.

Deniece mag-iisa sa kulungan

May mga haka-haka na posibleng sumuko na sa NBI si Deniece Cornejo dahil nadakip na sina Cedric at Zimmer.

Wala nang dahilan para makipag-hide and seek si Deniece dahil kung nagawa ng NBI na matukoy ang lugar na pinagtataguan nina Cedric at Zimmer, tiyak na malalaman din nila ang lungga ni Deniece.

Pero hindi totoo ang mga tsismis na nagtatago sa mga condo unit si Deniece. Gawa-gawa lang ‘yon ng mga tao na masyadong fertile ang imagination dahil nangyari sa condo unit na nirerentahan ni Deniece ang pang-uumbag kay Vhong.

Sa totoo lang, mahirap ang katayuan ni Deniece dahil siya lamang ang babae na akusado sa serious illegal detention kay Vhong.

Kung susuko at makukulong si Deniece, all by herself siya. Hindi kagaya ni Cedric na may buddy-buddy dahil kasama niya si Zimmer, pati na ang ibang mga akusado na pinaghahanap pa ng NBI agents, sina Jed Fernandez at Ferdinand Guerrero.

Hindi naman puwede na pagsamahin sa iisang kulungan si Deniece at ang male cast ng pambubugbog kay Vhong ‘di ba?

Lee pumayat na sa mental torture?

In fairness, lalong naging pogi si Cedric dahil pumayat siya. Nawala ang kanyang double chin pero walang naniniwala sa pralala niya na diet and exercise ang dahilan.

Mental torture ang magkaroon ng kaso na walang piyansa, lalo na para sa isang tao na first time na makukulong.

Bilib nga ako kay Cedric dahil nagagawa pa niya na ngumiti o baka naman talagang likas na pala-ngiti siya? May mga tao na katulad ni Cedric na hindi basta-basta nasisindak at walang pressure na nararamdaman, kahit nagkakagulo na sa kanilang paligid.

                                       

CEDRIC

CHITO

DAHIL

DENIECE

EASTERN SAMAR

SAMAR

VHONG

ZIMMER

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with