MANILA, Philippines - Sa pakikiisa sa sambayanang Pilipino at sa buong Simbahang Katolika, maghahatid ng balita ang News5 mula mismo sa Vatican patungkol sa dual canonization nina Blessed Popes John XXIII at John Paul II ngayong Divine Mercy Sunday.
Pansamantalang magbibigay daan ang mga pang-Linggong progÂrama ng TV5 para sa komprehensibong pag-uulat ng News5. Ang special report na pinamagatang The Canonization: John XXIII and John Paul II ay ieere LIVE mula 4:00 to 6:00 pm sa TV5. Mapapanood din ito mula 3:30 to 6:00pm sa Aksyon TV (Channel 41).
Ang pinagkakatiwalaang News5 anchor na si Erwin Tulfo ang mamumuno ng pagbabalita live mula sa Vatican, samantalang sina Cheri Mercado at Paolo Bediones naman ang mag-uulat mula sa News5 Headquarters sa ReÂliance, Mandaluyong City.
Si Blessed Pope John Paul II ay kilalang may espesyal na pagtatangi para sa sambayanang Pilipino. Binansagan bilang The Traveling Pope, bumisita ang Santo Papa sa Pilipinas ng dalawang beses: una ay noong 1981, at naulit noong 1995 sa pagdiriwang ng World Youth Day – isang pribileheyong na iilang bansa lamang ang nakaranas. Ang pagbisita ni John Paul II ay dinaluhan ng limang milÂyong katao, isang pagpapatunay ng pagmamahal ng mga Pilipino para sa Santo Papa.
Si Blessed John XXIII naman ay nakilala bilang The Good Pope. Sa kanyang pamumuno, nagpatawag siya ng Second Vatican Council upang pag-usapan ng Simbahan ang mga isyung kinakaharap nito sa modernong panahon. Maraming pagbabago ang naipatupad ng Vatican na siya ring bumago ang mukha ng Katolisismo, katulad na laÂmang ng paggamit ng wikang sariling atin sa mga misa, pakikipagdiyalogo sa mga iba-ibang paÂnaÂnampalataya, at ang panibagong pagharap ng Simbahan sa mundo.
Noong Abril 30, 2000, dineklara ni John Paul II ang ikalawang Linggo ng Easter bilang Divine Mercy Sunday, upang lumaganap ang debosyon sa walang-hanggang awa ng Diyos. Ang minamahal na Santo Papa, na puÂmaÂnaw noong April 2005 sa bisperas ng Divine Mercy Sunday, ay idineklarang ‘Blessed’ noong Divine Mercy Sunday, May 1, 2011 ng kanyang successor na si Pope Benedict XVI.