^

PSN Showbiz

TV5 may live coverage sa Vatican para sa dual canonization nina Blessed Popes John XXIII at John Paul II

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sa pakikiisa sa sambayanang Pilipino at sa buong Simbahang Katolika, maghahatid ng balita ang News5 mula mismo sa Vatican patungkol sa dual canonization nina Blessed Popes John XXIII at John Paul II ngayong Divine Mercy Sunday.

Pansamantalang magbibigay daan ang mga pang-Linggong prog­rama ng TV5 para sa komprehensibong pag-uulat ng News5. Ang special report na pinamagatang The Canonization: John XXIII and John Paul II ay ieere LIVE mula 4:00 to 6:00 pm sa TV5. Mapapanood din ito mula 3:30 to 6:00pm sa Aksyon TV (Channel 41).

Ang pinagkakatiwalaang News5 anchor na si Erwin Tulfo ang mamumuno ng pagbabalita live mula sa Vatican, samantalang sina Cheri Mercado at Paolo Bediones naman ang mag-uulat mula sa News5 Headquarters sa Re­liance, Mandaluyong City.

Si Blessed Pope John Paul II ay kilalang may espesyal na pagtatangi para sa sambayanang Pilipino. Binansagan bilang The Traveling Pope, bumisita ang Santo Papa sa Pilipinas ng dalawang beses: una ay noong 1981, at naulit noong 1995 sa pagdiriwang ng World Youth Day – isang pribileheyong na iilang bansa lamang ang nakaranas. Ang pagbisita ni John Paul II ay dinaluhan ng limang mil­yong katao, isang pagpapatunay ng pagmamahal ng mga Pilipino para sa Santo Papa.

Si Blessed John XXIII naman ay nakilala bilang The Good Pope. Sa kanyang pamumuno, nagpatawag siya ng Second Vatican Council upang pag-usapan ng Simbahan ang mga isyung kinakaharap nito sa modernong panahon.  Maraming pagbabago ang naipatupad ng Vatican na siya ring bumago ang mukha ng Katolisismo, katulad na la­mang ng paggamit ng wikang sariling atin sa mga misa, pakikipagdiyalogo sa mga iba-ibang pa­na­nampalataya, at ang panibagong pagharap ng Simbahan sa mundo.

Noong Abril 30, 2000, dineklara ni John Paul II ang ikalawang Linggo ng Easter bilang Divine Mercy Sunday, upang lumaganap ang debosyon sa walang-hanggang awa ng Diyos. Ang minamahal na Santo Papa, na pu­ma­naw noong April 2005 sa bisperas ng Divine Mercy Sunday, ay idineklarang ‘Blessed’ noong Divine Mercy Sunday, May 1, 2011 ng kanyang successor na si Pope Benedict XVI.

 

BLESSED POPES JOHN

CHERI MERCADO

DIVINE MERCY SUNDAY

ERWIN TULFO

JOHN

JOHN PAUL

PILIPINO

SANTO PAPA

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with