^

PSN Showbiz

Goma gagawa ng game show sa Kapuso, pelikula with Gretchen wala na ring urungan

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles - Pilipino Star Ngayon

Tama ba ang nabalitaan naming tuloy na ang pagsasamahang pelikula sa Star Cinema nina Richard Gomez at Gretchen Barretto? The Trial daw ang title ng movie to be directed by Chito Roño at makakasama nila sina John Lloyd Cruz at Jessy Mendiola.

Wala pang sinabi kung kailan sisimulan ang shooting ng movie na legal drama ang genre at kung ano ang role na gagampanan ng apat na major cast.

Nang minsang na-interview si Richard, nabanggit nitong gusto rin niyang muling gumawa ng pelikula dahil ibang fulfilment ang ibi­nibigay nito sa paggawa ng teleserye. Game nga ang aktor sa kahit anong role at tema ng pelikula.

Sa ngayon, sa TV busy si Richard dahil ginagawa ang My Pirated Family with Sharon Cuneta sa TV5. Sabi, magho-host ito ng isang game show sa GMA 7, pero parang wala na uling balita tungkol dito.

Tomcar malakas ang clamor

Marami agad ang nag-like nang i-post ni Car­la Abellana sa Instagram (IG) ang music video at trailer ng So, It’s You, ang movie nila nina Tom Rodriguez at JC de Vera sa Regal Entertainment na showing sa May 7.

Inabangan ng fans nina Carla at Tom sa Youtube ang music video at trailer, kahit mada­ling araw pinost. Sulit ang pagpupuyat ng fans dahil sa nakakakilig na eksena ng dalawa. Sina Tom at Carla lang ang nakita namin sa music video at trai­ler, pero tiyak kasama si JC dahil magrereklamo ang fans kung wala ito.

Maghanda na si Carla dahil sa presscon, tiyak na ang tungkol sa love life niya ang isa sa mga itatanong sa kanya lalo na’t nakabalik na si Geoff Eigenmann from Las Vegas. Kung marami ang gustong maging for real ang TomCar love team, marami pa rin ang gustong magkabalikan sina Carla at Geoff.

Thankful si Carla na kahit walang soap, sunud-sunod ang trabaho niya at nabalita pa ngang magsasama sila ni Ryan Agoncillo sa isang sitcom sa GMA 7.

Barbie biglang tinambakan ng trabaho

Matutuwa nito ang fans ni Barbie Forteza na na-miss mapanood ang aktres na umaarte dahil sa May, buong buwan siyang itatampok sa Maynila. Sa May 26, naman ang tentative pilot airing ng Afternoon Prime na The Half Sisters na pagbibidahan ni Barbie at ni Thea Tolentino.

Heto pa, bukod sa dalawang TV shows, may indie film din si Barbie sa 2014 Cinemalaya at kasama niya sina Judy Ann Santos at Joel Torre sa Mariquina. Sa direction ni Milo Sogueco, entry ito sa New Breed category sa Cinemalaya.

Gumawa na ng indie film dati si Barbie, pero first time niyang makakatrabaho sina Judy Ann at Joel Torre at siguradong marami siyang matututunan sa da­lawa.

Anyway, ibinabalik ng GMA 7 sa The Half Sisters ang love team nila ni Derrick Monasterio at makakapareha din ni Barbie si Andrei Paras na mapupunta raw kay Thea in the end.

Paulo nanliligaw na uli kay KC

Masaya na uli ang fans nina KC Concepcion at Paulo Avelino na sobrang nalungkot nang i-unfollow ng aktor ang aktres sa Twitter at Instagram dahil pina-follow na uli ni  Paulo si KC sa social media.

Ang feeling kasi ng fans ng dalawa noong in-unfollow ni Paulo si KC the end na ng dalawa, as in, wala nang pag-asang maging sila pa in the future. Kung anu-ano ang itinawag nila kay Paulo sa ginawa nito, pero ngayon, love na uli nila ang aktor.

Tuloy din ang pagwi-wish ng fans ng dalawa na magbago pa ang isip ni KC at payagang muling manligaw sa kanya si Paulo. Pinapayuhan din nila ang aktor na ‘wag mawawalan ng pag-asa at ‘wag titigil sa panunuyo kay KC.

Pinanghahawakan din ng fans ang sinabi ni KC na mahal niya si Paulo at ‘yung post niyang song ni Barry Manilow na Somewhere Down the Road na magku-cross pa uli ang landas nila. Ang problema, nasa New York pa si KC at tila wala pang balak bumalik ng bansa, paano makakapanligaw si Paulo kung malayo siya?

AFTERNOON PRIME

ANDREI PARAS

BARBIE

BARBIE FORTEZA

CARLA

FANS

HALF SISTERS

JOEL TORRE

PAULO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with