PIK : Isi-celebrate ng Sunday All Stars ngayong araw ang kaarawan ni Regine Velasquez, at siyempre isang malaking production number ang pinaghandaan para sa kanya.
Bukod kay Songbird, may sexy production number din si Winwyn Marquez para rin sa kanyang birthday celebration. At muling gagawaran ng Platinum award na pang siyam na ito para kay Julie Anne San Jose sa napaka-successful niyang self-titled album.
PAK: Kapansin-pansin ang sweetness nina young actor at young actress na magkasama sa isang cruise kamakailan lang.
Meron silang taping roon para sa kanilang regular show, at hindi raw talaga sila mapaghiwalay.
Pero isang gabi, biglang nawala raw si young actor na walang nakaalam kung saan siya pumunta. Kahit ang girlfriend na si young actress ay walang kamalay-malay na tumakas sandali ang boyfriend nang dumaong sila sa isang port.
Nakakaduda raw ang pag-alis nito dahil pangiti-ngiti lang daw ito nang tinanong ito.
BOOM : Matindi rin ang mga pahayag ni Claudine Barretto sa ipinadala niyang statement sa Startalk, kaugnay sa kasong Robbery na isinampa sa kanya ng dalawa niyang personal assistant.
Sina Raymart Santiago at Gretchen Barretto ang tinuturo niyang nasa likod ng panibagong kasong isinampa laban sa kanya.
Pinatutsadahan pa niya si Raymart na sa halip na ibabayad pa raw niya ang 100 thousand pesos sa tuition ng dalawang anak nila, ibabayad pa raw niya ito sa pampiyansa sa kasong iyun.
Bahagi ng pahayag ng aktres sa ipinadalang statement ng abugado
niyang si Atty. Ferdie Topacio: “I have just paid for the tuition fee for
our children for the coming school year, and I will need more funds for them to continue the high-quality education I have committed to provide for them, and school records will show that they are excelling in their respective schools.
“This, I repeat, is because in spite of Mr. Santiago’s hypocritical avowals of affection for our children, he has not given any support whatsoever for close to a year. If that is how he shows his love for his children—by ruining their mother and trying to send her to jail—then Mr. Santiago is a twisted person indeed.â€