Coverage ni Jessica ginagabayan ni Blessed John Paul II

Love talaga ng mga Pinoy si Blessed John Paul II na idedeklara ngayon na santo ng Simbahang Katoliko.

Noong Biyernes at kahapon, may kinalaman sa buhay ni Blessed John Paul II ang news nang halos lahat ng local channels.

Pero pinakamaganda pa rin ang mga balita ni Jessica Soho na lumipad sa Rome para saksihan ang canonization ni Blessed John Paul II na dalawang beses na dumalaw sa Pilipinas.

Live from Vatican City ang mga report ni  Mama Jessica pero ang linaw-linaw ng signal at never na nagkaroon ng mga technical problem. Ang feeling ko, may kinalaman si Blessed John Paul II sa malinaw na coverage ni Mama Jessica at may message siya na gustong iparating sa mga Pilipino.

Sa lahat ng mga naging Santo, ang canonization ni Blessed Pope John Paul ang pinakamabilis. Sumakabilang-buhay siya noong April 2, 2005, na-beatify noong  May 2011 at ngayon, isa nang ganap na santo.

Live na mapapanood ngayong hapon sa GMA News TV ang canonization kay Blessed John Paul II  at sa ibang mga bagong santo na  ihahatid  ni Mama Jessica ang report, straight from The Vatican City.

LT rumampa sa Bicol

Si Lorna Tolentino ang special guest at judge sa Search for Daragang Mayon 2014 na ginanap kagabi sa Albay Astrodome.

Lumipad si LT at ang ilang members ng The Legends sa Legaspi City noong Biyernes at pagdating  doon, rumampa agad sila sa Cagsawa Ruins at nagpakuha ng litrato na background ang majestic Mayon Volcano.

Bigla ko tuloy na-miss ang Albay trip ko noong 2013 at ang mainit na pagtanggap sa amin ni Albay Governor Joey Salceda, pati ng mga mababait na kababayan natin sa Albay. Wish ko lang, imbitahan uli ako ni Papa Joey na bumisita sa  Albay.

Teacher Georcelle, handa na sa Annekapal

Si Teacher Georcelle Dapat-Sy ang direktor ng Annekapal, ang concert ni Anne Curtis sa Smart Araneta Coliseum sa May 16.

Ibinigay ni Teacher Georcelle ang assurance na magugustuhan ng concertgoers ang Annekapal dahil pinag-aralan, pinaghandaan at ginastusan ang lahat ng mga production number ni Anne.

Tanggap ni Anne na hindi siya singer kaya babawi siya sa mga bonggang production number na may buwis buhay na kasama.

Hindi nauubusan ng mga idea si Teacher Georcelle dahil mahilig siya na mag-research tungkol sa mga bagong dance step at manood ng mga Broadway show.

Magagamit ni Teacher Georcelle sa concert ni Anne ang bagong dance moves na pinag-aralan niya.

Thankful si Teacher Georcelle sa trust na ibinigay sa kanya ni Anne at ng Viva Concerts. Kasama rin si Papa Gary Dujali  sa mga pinasasalamatan niya dahil sa suporta na ibinibigay sa kanya ng PLDT MyDSL. Si Papa Gary ang bossing ng PLDT MyDSL.

Sandy-balik alindog

Balik-Alindog program si Sandy Andolong at ang kanyang mister na si Christopher de Leon ang personal trainer niya.

May karapatan si Boyet na maging personal trainer ni Sandy dahil health buff siya at ebidensya ang kanyang physically fit na katawan. Puwedeng-puwedeng makipagsabayan si Boyet sa mga young actor na regular ang pagpunta sa gym.

With her husband around, makakatiyak si Sandy na in good hands siya dahil  sa mga exercise na ipagagawa sa kanya ng loving husband niya. Nag-promise si Sandy sa sarili  ng three times a week work out.

Show comments