Regine tinanggihan ang invitation sa state dinner para kay Obama

Walang napi-feel na panghihinayang si Regine Velasquez na hindi niya natanggap ang invitation na kumanta sa state dinner for U.S. president Barack Obama. Ayon kay Regine meron na siyang prior commitment at hindi na puwedeng mag-back out, nang makatsika namin the other day sa Kapuso Fans’ Day with Regine para sa celebration ng Bangus Festival sa Dagupan, Pangasinan. 

Dalawang beses siyang tinawagan ng Malacañang for the said occasion on Monday pero hindi talaga pumuwede ang schedule niya kaya hindi na siya nanghihinayang para hindi siya magsisi. Ang alam ni Regine, si Sarah Geronimo na ang isa sa mga kakanta.

Darating sa bansa ang presidente ng America sa Monday. Kasalukuyang nasa Asian tour si President Obama.

May ilan pang mga taga-showbiz na nakatanggap na ng invitation para sa State dinner   na inihahanda ni President Noynoy Aquino para sa pangulo ng Amerika.

Anyway, tuloy ang pagta-try nila ni Ogie Alcasid na masundan na ang napaka-cute nilang anak na si Nate na more than two years old na. “Trying. Di pa meant. Di pa type ni Lord,” sabi niya na bago rin ang hairstyle nang makausap namin bago nga ginanap ang matagumpay na Kapuso Fans Day niya sa Dagupan.

Kaya naghihintay na lang sila ng go signal ni Lord kung kailan talaga uli siya mabubuntis. Hindi na nila minamadali basta try sila nang try.

Hindi ito ang unang pagkakataon na nag-fans day si Regine for GMA. Nauna na siyang nagpunta sa Davao.

At part ng fans day ang contest ala-Regine at ang impersonation.

Grabe ang singing contest, ang daming magagaling. Kinakarir talaga nila ang pagsali. At pag kumanta,  parang narinig mo si Regine nung bago pa lang siyang singer. Sa impersonation, ang lakas ng aliw factor.

Umulan ng malakas last Friday sa Dagupan nung bandang magga-gabi na. Pero in fairness hindi napigilan ng ulan ang mga Dagupeño na mag-stay sa kanilang mga bahay. Nagpunta pa rin sila sa CSI Mall para panoorin ang pag-apir ng kanilang idol.

May mga naka-schedule pang regional shows si Mrs. Alcasid kaya ‘wag mag-alala ang fans niya sa ibang probinsiya dahil malamang puntahan din sila ng Asia’s Queen of Song.

Busy siya ngayon sa dalawa niyang show sa GMA  - Sarap Diva at Sunday All Star (once a month). Masaya siya sa Sarap Diva dahil maganda ang rating. At kung per season ang contract niya sa programa noon, pumirma siya kamakailan ng isang taong kontrata kamakailan lang.

Naghihintay lang siya ng gagawing serye dahil may nakalagay sa contract niyang dalawang soap opera sa dalawang taong kontratang pinirmahan niya last year.

Ngayon ay busy siya sa maraming corporate shows at concert abroad na matagal-tagal din niyang hindi nagawa nang mabuntis at manganak kay Nate.

Show comments