Vintage car ni Angel naghihintay ng mas malaking offer

Patuloy pa ring naka-auction ngayon ang 1970 Chevrolet Chevelle ni Angel Locsin na magtatapos sa April 30. Almost P1.7M na ang pinakamataas na bid sa vintage car ng aktres na ang pondo ay mapupunta sa Sagip Kapamilya ng ABS-CBN para makatulong sa pagpapatayo ng mga nasirang paaralan sa mga sinalanta ng bagyong Yolanda sa Tacloban at ilang bahagi ng Eastern Visayas. 

Isa si Angel sa may ginintuang puso na tumutulong sa mga sinalanta ng super typhoon noong nakaraang taon. Mahal na  mahal ni Angel ang kanyang Chevelle na kanya pang inimporta mula sa San Francisco, California pero ito’y kanyang isasakripisyo sa larangan ng kawanggawa.

Angel turned 29 last April 23 habang 33 naman ang kanyang nobyong si Luis Manzano nung nakaraang April 21.

‘There is a light at the end of every tunnel’

Sobra-sobra ang pasasalamat ni Vhong Navarro sa suporta sa kanya ng publiko sa pelikulang Da Possessed na siya niyang inspirasyon para tuluyan siyang makabangon sa pinagdaanan niyang bangungot.

Although hindi pa tapos ang laban ni Vhong, pero unti-unti ay umaayon sa kanya ang mga pangyayari ngayon na may kinalaman sa mga taong nanakit sa kanya. My judgment na ang husgado, buong puso siyang tinanggap ng publiko at mga mahal niya sa buhay at mga kaibigan at ngayon, box office hit ang kanyang pelikula.

Ang kasabihang “There is a light at the end of every tunnel” ay mu­ling nagkatotoo kay Vhong.

BF ni Zsa Zsa biglang nakilala ng masa

Tiyak na marami ang masaya para kay Zsa Zsa Padilla including her children – Karylle (by ex-husband Dr. Modesto Tatlonghari), Nicole, at Zia (sa kanyang late longtime partner na si Dolphy) na muli siyang nakatagpo ng bagong mamahalin sa katauhan ni Architect Conrad Onglao. Hindi man siya taga-showbiz, kilalang-kilala na siya ngayon ng publiko dahil sa relasyon nila ngayon ng Divine Diva.

Kung sa darating na mga panahon ay hahantong sa kasalan ang kanilang relasyon, walang magiging problema dahil pareho na silang libre. 

 

Show comments