Dingdong namimili pa kung Senador o Partylist Rep. ang kakandidatuhan sa 2016; One Direction may concert sa 2015
SEEN: Susundin ng Pinoy Big Brother ang old tradition na pagsasama-samahin sa isang hotel ang mga bagong housemate bago sila ipakilala sa publiko sa April 26.
SCENE: Dapat ikabahala ni Louise delos Reyes ang banta at ebidensya na hawak ng tatay ni Enzo Pineda na magpapatunay na diumano, two-timer girlfriend siya.
SEEN: May sapat na dahilan si Cedric Lee na magtago dahil hindi dapat ipag-walang bahala ang excitement ng mga preso na naghihintay sa pagdating niya sa kulungan.
SCENE: Mga fugitive na ang turing kina Cedric Lee, Deniece Cornejo, Jed Fernandez, Simeon Raz, at Ferdinand Guerrero dahil sa patuloy na pagtatago nila sa batas.
SCENE : Ang tactless statement ni Kris Aquino sa Aquino and Abunda Tonight na hindi siya buntis dahil wala siyang ginagawa para mabuntis.
SEEN: Papalag ang milyun-milyong Pilipino kapag naÂging state witness ang Pork Barrel Scam Queen na si Janet Napoles na dapat magdusa sa kulungan dahil sa pagÂlustay sa kaban ng bayan. Hindi dapat pinagtiwalaan nina Senator Jinggoy Estrada at Senator Bong Revilla, Jr. si Janet Napoles.
SCENE: Ang balita na may balak na kumandidato sa 2016 si Dingdong Dantes bilang senador o party list representative.
SEEN : Si Isko Salvador aka Brad Pete sa isang Quezon City supermarket noong Martes ng gabi. Kinuwestyon ni Brad Pete ang paggamit ng plastic bags ng supermarket employees. Ipinagbabawal sa Quezon City ang paggamit ng plastic bags.
SCENE: Maingay ang balita na magkakaroon ng concert sa March 2015 sa Pilipinas ang sikat na London -based boyband na One Direction.
- Latest