Derek pumayag mag-ulit ng shooting kahit walang bayad
Hindi man si Derek Ramsay mismo ang nagsabi kundi ang kanyanag manager (si Jojie Dingcong) na willing siyang ipatapos sa kanyang alaga ang pelikulang The Trophy Wife na sinimulan ni direktor Elwood Perez, pero hindi nito natapos. Ipinasa na ito sa ibang director (Direk Andoy Ranay) na gumawa ng updated versions ng ilang mga eksena, pero hindi pa rin ito natatapos.
Sinabi ng manager ng aktor na kahit walang bayad ay ipapatapos niya kay Derek ang movie dahil ito ang masisisi at mapipintasan kung hindi ito maipalabas. Pero matatagalan na naman ito since maraming trabaho na nakaiskedyul na gawin ang aktor. May dalawang pelikula siyang pinirmahan sa Regal, ang una ay makakasama niya si Marian Rivera. Ang ikalawa ay malamang na si Kris Aquino.
Mga kandidata sa Mr. & Ms. Olive C mas maraming maganda
Mukhang mas marami ang magaganda kaysa guwapong kandidato sa ginaganap na Mr. & Ms. Olive C Campus Model Search 2014. Marami rin ang articulate sa mga babaeng iprinisinta sa media nung April 12 sa Fisher Mall. May mga guwapo rin naman at magagaling magsalita sa 26 na young individuals at kinatawan ng Luzon, pero outnumbered sila ng mga girls. Hindi nga sukat akalain ng mga kabataang kalahok na magiging abala sila agad-agad sa training sa modeling, personality development, at pagpapaka-confident sa harap ng mga nagkikislapang camera at mapanuring mata ng mga taga-media.
In fairness, lahat sila ay hindi nautal sa pagsagot sa tanong ng press - kung saan sila nag-aral at ano ang layunin nila sa pagsali. May mga umamin na gusto nilang maging artista. Ginagawa nilang stepping stone ang Mr. & Ms Olive C competition para makapasok ng showbiz. Ilan sa mga nagwagi rito ay artista na ngayon kundi man mga beauty queens na. Tulad nina Hiro Magalona Peralta ng GMA 7, Miss Philippines Earth-Water 2011 Muriel Orais, Ms. Supranational 2013 Mutya Datul, at si Jon Lucas ng Star Magic.
Nakatakdang ganapin ang finals ng paligsahan sa May 30 sa Skydome ng SM North Edsa. Mga ilang araw bago ang finals ay magsisimula nang magdatingan ang mga contestants from the Visayas and Mindanao. Yes, national ang paligsahan na lahat ng contestants ay mga mag-aaral sa mga paÂngunahing kolehiyo at unibersidad sa buong bansa.
Nasa ikaapat na taon na ang Mr. & Ms Olive C Campus Search.
Juday nakikiusong mag-indie
Ayaw na rin pahuhuli ni Judy Ann Santos pagdating sa mga projects na tinatanggap niya. Sa kabila ng kaabalahan sa paghu-host ng Bet on Your Baby at paghahanda para sa reality show niyang I Do, nagpasya siyang tumanggap ng isang indie film para sa Cinemalaya filmfest. Ito ang Mariquita na inaasahan ng lahat ay magbibigay ningning sa kanyang karir bilang atista.
Bagaman at nalilimitahan na ang pagiging artista niya sa pagganap bilang host sa TV, tatanggap at tatanggap si Juday ng proyekto para mailabas ang kanyang acting tulad nga nitong indie project na talagang paglalaanan niya ng panahon at isiÂsingit sa napakahigpit niyang schedule.
Mga anak ni Snooky makakatapos na ng kolehiyo
Kung kelan naman halos nakakalimutan na siya ng mga tao at saka naman biglang nagpaparamdam si Snooky Serna. Bukod sa kasi-celebrate lang niya ng kanyang 48th birthday ay may ginagawa siyang indie film na pinamagatang Homeless. Binase ang istorya nito sa ilang mga tunay na pangyayari sa likod ng mapaminsalang bagyong Yolanda. Nasa direksyon ito ni Neal Buboy Tan at kasama niya sa pelikula sina Ejay Falcon at Dimples Romana. Ina ni Ejay ang role na ginagampanan niya na hindi malayo sa tunay na buhay niya dahil parehong magtatapos na sa kolehiyo ang panganay niyang si Sam, sa kursong European Studies at si Sachi sa kursong Literature naman. Parehong La Sallista ang dalawa.
- Latest