Iya instant tagaligpit ng mga kalat ng asawa!

Siyam na taon munang naging magkasintahan sina Iya Villania at Drew Arellano bago tuluyang nagpakasal noong January 31 sa Tagaytay. Ayon kay Iya ay masaya raw ang buhay may-asawa at marami pa ring mga bagay silang nadidiskubre mula sa isa’t isa. “Sobrang saya. I didn’t think that we could fall in love even more but we did, sobrang saya. Of course, because he doesn’t have a maid, he does not have a driver, so when he is actually leaving the house, kung ano ‘yung kalat na naiiwan niya, naiiwan niya lang talaga and there is no one to be there to fix it up but now that I am there, sino pa nga ba,” nakangiting pahayag ni Iya.

“These are all the adjustments that I am very happy to make. Other than that, I don’t know if there is anything more to discover. I’m sure there are still more things that need to be discovered. You know it has been nine years that is why I couldn’t have it any other way because it’s really the time that we have sent together has really prepared us to be where we are now,” paliwanag ng aktres.

Kahit halos tatlong buwan nang kasal ang mag-asawa ay hindi pa rin sila nakakapag-honeymoon hanggang ngayon dahil pareho silang abala sa kanya-kanyang mga trabaho. Wala pa rin daw sa plano nina Iya at Drew ang pagkakaroon ng anak sa susunod na taon. “After two or three years pa, wala pa talaga. June, we plan. Actually, still not sure yet. We are still thinking maybe a cruise, may San Francisco, may kung saan-saan pa, masaya,” giit ni Iya.

Carmina kontra pa sa pag-aartista ng kambal

Marami nang nagawang commercials ang pamilya ni Carmina Villarroel. Kadalasang kasama ang asawang si Zoren Legaspi at ang kambal nilang anak na sina Mavy at Cassy sa halos lahat ng kanilang product endorsements. Para kay Carmina ay hindi niya raw muna pahihintulutan ang dalawang anak na tuluyang pasukin ang show business. “Very vocal naman kasi ako na ayaw ko sana. Pwede lang ang commercials. Pero since it’s summer, okay lang naman mag-guesting, mga ganyan. Pero ‘yung sasabihin mong artista talaga na full time, parang teka muna,” bungad ni Carmina.

Labingtatlong taon na ngayon ang kambal ng aktres at gusto raw talaga nina Cassy at Mavy na pasukin din ang pag-aartista katulad ng kanilang mga magulang. “Mag-aaral muna sila. But my kids kasi, they are also vocal na gusto rin nila mag-artista. My daughter, si Cassy, lagi niya sinasabi, ‘Mom, I want to be like you when I grow up. I want to host, to act, to dance, and sing.’ Mga gano’n, pero mag-aral muna sila,” kwento pa ng aktres.

Samantala, nitong Holy Week ay nakapagbakasyon ang buong pamilya ni Carmina sa Tokyo. “Favorite ko talaga ang Japan. I think it’s because of the cherry blossoms dahil siguro nakita n’yo naman ang wedding ko ‘di ba, may cherry blossoms,” pagtatapos ng aktres.

Reports from JAMES C. CANTOS    

 

 

 

Show comments