Jessica Soho makiki-throwback sa Araw ng Pagkabuhay!
MANILA, Philippines - Ngayong Linggo ng Pagkabuhay, samahan ang Kapuso Mo, Jessica Soho na sariwain ang alaala ng nakaraan sa Senti Sunday episode ng top-rating news magazine programa ng GMA 7.
Muling balikan ang mga gumulantang na kuwento sa sambayanan noon tulad ng babaeng nanganak daw ng dalag, mga dancing paper doll sa Siquijor, at ang diumano’y taong ahas na nahumaling daw kay Alice Dixzon. Makalipas ang ilang dekada, magsasalita na tungkol dito ang aktres.
Maki-backtrack din sa mga pinasikat na kanta ng Father and Sons, Boyfriends, at ni Roselle Nava. Pwede ring makiindak sa mga nausong sayaw noon tulad ng Kapag Tumibok ang Puso ni Donna Cruz at Pik Pak Boom.
Sisilipin din ang ilan sa kinahiligang cartoons noon tulad ng Doraemon, SaiÂlormoon, Teletubbies, at Pinpin, at pati na rin ang sikat na sikat na Kuarta o Kahon.
Bibisitahin din ng KMJS ang mga dating pasyalan at titikman ang mga pinagmamalaÂÂking putahe ng mga sikat at paboritong restaurant.
Samantala, pagkatapos ng KMJS, hatid naman ng batikang mamamahayag na si Mike Enriquez ang Bobon’s Most Wanted sa Imbestigador.
Siya ang numero uno sa Most Wanted List sa Bayan ng Bobon, Northern Samar - ang 26 na taong gulang na si Noel Notado. Nahaharap siya sa kasong panggagahasa ng 15 anyos na dalagita.
Sa pagganap ng aktor na si Baron Geisler at Kapuso star na si Bea Binene, sundan ang kuwento ng naging kapalaran ng noo’y kinse anyos na dalagita sa kamay ng suspek.
- Latest