MANILA, Philippines - Limang pagkilala mula sa prestihiyong New York Festivals ang natamo ng ABS-CBN kamakailan kabilang na ang dalawang world medals para sa dokumentaryo nitong Agosto Beinte-Uno at investigative program na Failon Ngayon.
Wagi ng silver world medal sa Graphic Design: Promotion/Open & ID category ang espesyal na dokyu na Agosto Beinte-Uno: Ang Pagpatay kay Ninoy Aquino kung saan sinariwa at muling binalikan ang pagpatay sa dating senador ng bansa na si Benigno “Ninoy†Aquino Jr. Ginawaran din ang naturang entry ng finalist certificate para sa Biography/Profiles category.
Samantala, pinarangalan naman ng world bronze medal sa Current Affairs category ang programang Failon Ngayon ni Ted Failon para sa episode nito na Tagas ng Minahan kung saan binusisi ang panganib na dala nang pagtagas ng mine tailings kaugnay sa isang insidenteng nagkontamina sa Balog river na dumaloy hanggang San Roque Dam.
Nakatanggap rin ng finalist certificates ang educatioÂnal program ni Kim Atienza na Matanglawin sa EducaÂtional/Instructional category para sa episode nitong Elephants at ABS-CBN Creative Communications Management sa Green Promotion category para sa plug nitong Sprout.
Ito na ang ika-57 taon ng New York Festivals, na inoorganisa ng International Television & Film Awards, sa pagbibigay parangal sa pinakamahuhusay na palabas sa TV at pelikula sa buong mundo.