MANILA, Philippines – Matapos mabugbog at maakusahan ng panggagahasa, aminado ang TV host/actor na si Vhong Navarro na marami ang nagbago sa kanyang buhay.
Sinabi ni Vhong na nag-iba talaga ang kanyang buhay na isa sa mga ito ay ang hindi na siya makalabas ng mag-isa.
“Dati kaya ko umalis mag-isa,†kuwento ni Vhong sa kanyang panayam kay Boy Abunda sa “Buzz ng Bayan†ng ABS-CBN nitong Linggo.
Kaugnay na balita: 4 na pulis sa kaso ni Vhong pinasususpinde
“Kaya ko pumunta ng mall na mag-isa, o pumunta sa mga kaibigan ko ng mag-isa. Ngayon 'yon po ang medyo nabago.â€
Tatlong kasong panggagahasa ang inihain ng tatlong magkakaibang babae, kabilang ang modelong si Deniece Cornejo, laban kay Vhong matapos siyang bugbugin ng grupo ng negosyateng si Cedric Lee noong Enero 22 sa loob ng Forbeswood Heights Condominium sa Taguig City.
Ang dating laman lamang ng showbiz news ay naging headlines dahil sa sinapit sa kamay ng grupo ni Lee.
Kaugnay na balita: Vhong naging emosyonal sa desisyon ng DOJ
Matapos ang insidente ay pinipilit ni Vhong na maibalik sa normal ang kanyang buhay, ngunit sa isang bagay siya nahihirapan, ang pagtitiwala.
“Kasi ako 'yong tipo ng tao na madaling makagaanan ng loob,†paliwanag niya. “Kasi ako 'yong tipo ng tao na hindi ako namimili kung sino ang kakaibiganin ko. Mas gusto ko pa ngang kaibiganin ang mga inaapi.â€
“Hangga't maari gusto ko ibalik 'yong dati, Tito Boy. Kaso ngayon hirap akong magtiwala. 'Yon po ang nawala sa akin, pagtitiwala. 'Yon ang gusto ko maibalik, unti-unti,†sabi pa ni Vhong.
Kaugnay na balita: ‘Binaboy nila ang ari ko’ - Vhong
Sa kabila ng dinanas ay nagpapasalamat pa rin ang “It's Showtime†host sa mga nagbigay ng suporta sa oras ng kanyang kabiguan.
“Mas nadagdagan especially 'yong pagmamahal nila sa akin ngayon. Iyong suporta na kinakailangan ko lalo na no'n down ako until now. At siyempre mas nakilala ko 'yong mga totoo kong kaibigan na hindi ako iniwan hanggang sa dulo.â€
Nitong nakaraang linggo lamang ay naging emosyonal si Vhong nang ibasura ng Department of Justice ang inihaing reklamong rape ni Cornejo laban sa kanya.
Inilabas na rin naman ng korte ang arrest warrant laban kina Cornejo, Lee at iba pa nilang kasamahan para sa kasong grave coercion, habang anumang araw ay ilalabas na rin ang arrest warrant para naman sa kasong serious illegal detention.