^

PSN Showbiz

Kris at Carla tinalbugan ni Mommy D

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Sapaw na sapaw sina Kris Aquino at Carla Abellana ni Mommy Dionisia Pacquiao. Kung pareho mang naluha ang dalawa, si Kris sa pagso-sorry sa dating asawang si James Yap na umere na rin sa kanyang programa, si Carla naman ay sa Startalk at ibinalita na hiwalay na sila ng boyfriend of four years na si Geoff Eigenmann. Ang kaso mo, mas malakas ang dating ni Mommy D. kaya ayun hindi gaanong pinag-usapan ang ginawa ng dalawang aktres.

Besides, matagal nang lumabas ang tungkol sa pag-iyak ni Kris. At ‘yun namang hiwalayan nina Carla at Geoff ay matagal nang kalat sa showbiz. Hindi nga lang nila kinukumpirma.

Laban ni Cong. Manny Pacquiao, kaya lahat ng Pinoy nag-abang sa crucial na laban ng Pambansang Kamao na naipanalo niya laban kay Timothy Bradley. Lahat siyempre, masaya para kay Pacman na isang malaking karangalan na naman ang binigay sa bansa at sinasabi nga nila ang nasabing panalo ang nagpatunay na siya ang hari ng boksing sa buong mundo.

Saka si Mommy D. talaga ang headline ngayon kahit sa mga Internet article. Umagaw talaga siya ng eksena sa mga dasal niya at seremonyas.

Kaya sorry na lang sina Kris and Carla.

Samantala, nire-remind na pala ng BIR si Cong. Manny sa babayaran niyang tax pagdating ng bansa. Tumataginting na P2.6 billion.

Inmates excited na raw kay Deniece

Excited na raw ang mga inmates kay Deniece Cornejo matapos mabalitang may warrant of arrest na ito at ang mga kasama niyang sina Cedric Lee, Bernice Lee, Ferdinand Guerrero, Simeon Raz, Jose Paolo Calma, at Jed Fernandez, ayon sa isang nagkuwento.

Ang Taguig Trial Court ang naglabas ng warrant pero sa kasong grave coercion na may piyansa pala.

Ang walang piyansa, ang illegal detention tulad sa kaso ni Janet Napoles na kinakaharap ding kaso ng grupo na isinampa sa kanila ni Vhong Navarro.

Gayunpaman daw, hinihintay pa rin ng mga nasa selda na kung makakasama nila si Deniece. Maganda nga raw naman.

Samantala, naispatan palang pala na paalis ng bansa ang isa sa mga akusada na si Ferdinand Guerrero papunta daw sana ng Hong Kong. Nauna nang napabalita na nakaalis na siya ng bansa.

Kuya may mga paalala sa aspiring housemates

 Kasali ang Pinoy Big Brother hosts, kasama ang ilang ex-housemates sa Araneta Coliseum ngayong Martes (Abril 15) para suportahan ang aspiring housemates sa gaganaping auditions ng pinag-uusapang reality show.

Mag-iikot ang ex-housemates mula sa regular at teen editions ng Season 1 hanggang 4 upang magbigay ng payo, makipag-bonding, at pagaanin ang loob ng libu-libong inaasahang dadagsang auditionees sa venue.

Ang event ang magsisilbing huling auditions para sa inaabangang bagong season na PBB All In, na pangungunahan ng hosts na sina Toni Gonzaga, Bianca Gonzales, John Prats, at Robi Domingo.

Bukas ang auditions sa mga may edad 15 hanggang 30 taong gulang. Ang unang 10,000 aplikante lamang na pipila ang bibigyan ng pagkakataong makasabak sa audition process na magsisimula sa ganap na 7:00 A.M. Siguraduhin ding magdala ng birth certificate o valid ID na may nakasaad na birth date.

Magsisimula ang registration at pilahan sa Open Parking Lot B (sa harap ng Padi’s Point malapit sa Red Gate ng Araneta Coliseum). Ang lahat ng naka­pilang aspiring housemates ay bibigyan ng ticket ng Araneta Center at sticker naman ng “PBB.” Ang mga may issued tickets at suot na stickers lang ang papapasukin sa venue, alinsunod sa one ticket at one sticker per applicant policy.

May no re-entry policy rin ang venue kung kaya’t hinihimok ng PBB na kapag nakapasok na sa loob ng coliseum ang mga aplikante ay huwag na silang lumabas dahil hindi na sila muling papapasukin sa loob.

 Mariin ding ipinagbabawal ng pamunuan ng venue ang pagdadala ng sari­ling pagkain at tubig sa loob.

Limang simbahan pa sa Intramuros hinahanap!

Noong panahon ng mga Kastila, naging sentro ng pananampalataya ang Intramuros sa Maynila. Sa loob nito itinayo ang pitong simbahan. Pero sa paglipas ng panahon, matapos ang ilang lindol, bagyo, at giyera, dalawa na lang ang kilalang nakatayo -- ang Manila Cathedral at San Agustin Church. Hinanap ni Lia Mañalac-del Castillo kung may naiwang bakas ang lima pang makasaysayang simbahan. Pati mga yaman at reliko ng mga simbahang ito, matunton din kaya niya?

 Bunsod ng nangyaring sunog sa mga bundok ng Banahaw at Cristobal, mas lalong pinag-igting ang paghihigpit sa mga debotong nais umakyat sa mga itinuturing na sagradong pook na ito. Pero para sa mga namamanata, walang anumang makapipigil sa masidhi nilang debosyon. Sumama si Cedric Castillo sa mga debotong nagkakasya na lang ngayon sa pamamanata sa paanan ng Banahaw.

 Tunghayan ang mga ito sa Holy Week Special ng Brigada ngayong Martes, April 15, 8 pm sa GMA News TV.                                                    

ALL IN

ANG TAGUIG TRIAL COURT

ARANETA CENTER

ARANETA COLISEUM

BANAHAW

FERDINAND GUERRERO

MOMMY D

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with