^

PSN Showbiz

Mommy D ang ‘Pambansang Daliri’

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Matapos kumalat sa internet ang pagdarasal ni Mommy Dionesia Pacquiao habang lumalaban sa gitna ng ring ang kanyang anak na si Manny Pacquiao, masayang tinaggap ng ina ang bagong bansag sa kanya.

Habang nakikipagpalitan ng suntok ang Filipino boxing icon, ipinakita ang pagdarasal ni Dionesia na hawak ang isang rosary at prayer card, habang idinuduro ang natalong si Timothy Bradley.

Marami ang nagbirong kinukulam umano ng ina ang Amerikanong boksingero kaya ito natalo.

"Rosary lang. Habang nagbakbakan sila, nagpe-pray ako para sa kanya. Sabi ko sa Panginoon na, sana pabagsakin niya si Bradley," paliwanag ni Dionesia sa kanyang panayam sa dzBB ngayong Lunes.

Aniya umepekto ang kanyang pagdarasal nang makita niyang lumalamang na ang kanyang anak.

"Nakita ko na, four rounds na ... ang paa ni Bradley, 'pag papunta kay Manny, gano'n gano'n na e (nawawala sa balance). Sabi ko, praise the Lord!" dagdag niya.

Marami rin ang natuwa sa ginawang pagyakap ni Dionesia kay Bradley matapos ihayag na si Manny ang pinakabagong WBO welterweight champion.

"Sinabihan ko siya na, 'I'm sorry, Bradley ... sports, boxing lang ha'," kuwento ni “Mommy D.”

"Tumatawa si Bradley sa akin. Humarap siya sa'kin, tawa ng tawa. Sabi niya, 'No problem, mama, I need more time'," dagdag niya.

Bukod sa pagkapanalo ng Saranggani representative, pumutok din ang kasikatan ni Mommy D dahil sa kanyang ginawa kaya naman binansagan siyang “Pambansang Daliri.”

Kilala sa Pilipinas si Manny bilang “Pambansang Kamao” dahil sa paghahari sa mundo ng boksing.

BRADLEY

DIONESIA

HABANG

MARAMI

MOMMY D

MOMMY DIONESIA PACQUIAO

PAMBANSANG DALIRI

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with