^

PSN Showbiz

Solenn lagare sa ABS-CBN shows kahit exclusive Kapuso

Jun Lalin - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Si Solenn Heussaff mamayang hapon sa Buzz ng Bayan ng ABS-CBN.

May kinalaman sa promo ng Da Possessed na pinagbibidahan nila ni Vhong Navarro ang guesting na ‘yon ng Kapuso actress sa show ng Kapamilya network.

Bukod sa Buzz ng Bayan mamaya, mapapanood din bukas sa Aquino & Abunda Tonight ang sexy actress/singer na exclusive talent ng GMA 7. Nakapag-taping na rin si Solenn para sa isang episode ng KrisTV na malamang na ipalabas sa April 21 at may kulitan din sila ni Vice Ganda sa susunod na Sunday para naman sa GGV.

Ayon sa manager ni Solenn na si Leo Dominguez, grateful ang kanyang alaga sa GMA 7 dahil pinayagan itong mag-promote sa shows ng Dos.

Naka-stipulate man sa bagong kontrata ni Solenn sa Siyete na puwede siyang mag-promote sa ibang TV networks, malinaw naman na nakasaad din doon na kailangan ay may final approval ang GMA 7 management.

Dahil ang Star Cinema, Inc. (co-producer nila ang Regal Entertainment, Inc.) ang prodyuser ng Da Possessed, imposible nga naman na i-promote ni Solenn ang pelikulang ‘yon sa shows ng Siyete, kaya wala nga namang ibang paraan kundi ang payagan siya na mag-guest sa shows ng Kapamilya network.

Kaya aprubado ng GMA management ang mga lalabasan niyang show.

Mas maluwag na ang GMA 7 management sa mga ganoong klaseng guestings sa ibang TV network ng kanilang exclusive talents.

Ibang Kapamilya aktor, dinedma ng fans

Nakasabay ng kaibigan naming si U.S. Immigration officer Tim Evans ang ilang mga talent ng Star Magic, Inc. pati si Mr. M (Johnny Manahan) sa flight pa-San Francisco, California noong Huwebes ng gabi.

May basketball games cum shows sa iba’t ibang parte ng Amerika ang mga alaga ng Kapamilya Network.

Ayon kay Tim, hindi lahat ng mga artistang nakasabay niya sa flight ng Philippine Airlines ay pinagkaguluhan ng kanilang co-passengers.

May iba raw sa grupo na hindi pansin ng fans.

Avid reader ng PSN…

Avid reader ng Pilipino Star NGAYON si Mr. Sid Villarico na birthday ngayong araw na ito.

Naging kaibigan ko ang anak ni Sid, si Sarah, nang samahan ko si Ruffa Gutierrez na mag-pictorial sa Italy noong nakaraang taon.

Ayon kay Sarah, pinakamatinding regalo na sa kanyang ama para sa 72nd birthday nito ngayon ang mabati ng happy birthday dito sa PSN dahil araw-araw nagbabasa ng dyaryong ito ang kanyang ama.

Happy, happy birthday Mang Sid! (Wow! Maligayang kaarawan po! – SVA)

 

ABUNDA TONIGHT

AYON

BAYAN

DA POSSESSED

IBANG KAPAMILYA

JOHNNY MANAHAN

KAPAMILYA

KAPAMILYA NETWORK

LEO DOMINGUEZ

SOLENN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with