Actor-politician maangas, kinabubuwisitan ng mga staff ng isang ahensiya ng gobyerno

Marami ang nagsasabi na malaki ang ipinagbago ng kilalang aktor na ito magmula nang ito’y maging isang elective official. Kung dati-rati’y friendly ang aktor kahit sa mga taong hindi niya kilala, ngayon ay napaka-suplado na umano nito at kakaiba na kung umasta.

May isang government agency na madalas puntahan ng actor-politician na ito na may kinalaman sa kanyang negosyo.  Kapag dumayo raw sa tanggapan ng government agency na ito ang actor-politician ay akala mo raw kung sinong umasta.  Bukod sa sup­lado ay napaka-demanding umano nito na animo’y kanyang mga tauhan ang staff ng government agency na kanyang pinupuntahan.

Kulang na lamang isumpa ng mga tauhan ng government agency ang actor-politician sa pagiging maangas na kabaliktaran sa ipinapakita nito sa kanyang mga kaibigan sa showbiz laluna sa entertainment media. 

Derek limot na si Solenn

Open pala si Derek Ramsay na makatrabaho sa pelikula ang kanyang  ex-girflfriend na si Solenn Heussaff na nakakontrata rin sa Regal Films. Kapi­pirma lang ni Derek ng kontrata sa Regal Films.

Pareho nang nakapag-move on sina Derek at Solenn matapos silang maghiwalay.

May bagong nobyo na si Solenn at si Derek naman ay isa ring bukas na aklat ang naging lovelife pero ngayon ay iniiwasang  pag-usapan ang bagong karelasyon.

Teng brothers walang inggitan

Pinagkaguluhan ang Teng Brothers na sina Je­ric at Jeron Teng sa taping ng Celebrity Talk segment ng Walang Tulugan with the Master Showman on GMA last Saturday evening kung saan din guest ang Diamond Star na si Maricel Soriano.

Napakaganda ang samahan ng magkapatid na Jeric at Jeron at para silang magkababarda lamang. Apat silang magkakapatid, dalawang lalaki at dalawang babae.

Parehong maganda ang track record ng Teng Brothers sa kanilang husay sa larong basketball since their high school days hanggang sa koliheyo.  Sa UST si Jeric at taga-La Salle naman si Jeron.  

May common crush sa showbiz sina Jeric at Jeron, ang Kapamilya star na si Jessy Mendiola.

Ang pagiging mahusay na basketbolista ng magkapatid na Teng ay namana nila sa kanilang amang si Alvin Teng na dating PBA player noon ng San Miguel Beermen.  

Alma Concepcion makakatapos na ng interior design

Carbon copy ng kanyang amang si Dodie Puno ang kaisa-isang anak ni Alma Concepcion na si Coby Puno, now 14 years old at kaga-graduate lamang ng elementary sa Ateneo de Manila University.  Kung kamukha ni Coby ang kanyang dad (Dodie Puno), nakuha naman niya ang kanyang height sa kanyang mom, ang dating Bb. Pilipinas- Internatio­nal (1994) na si Alma Concepcion.

 Coby spen ds the weekends with his dad na dumalo rin sa kanyang graduation recently. Ang mommy naman niyang si Alma ay magtatapos ng Interior Design sa University of the Philippines on April 25.

Show comments