John Lloyd, may problema sa electrical bills

MANILA, Philippines - Ilang buwan nang nakakapagtaka ang taas ng bill para sa kuryente ni John Lloyd Cruz bilang si Romeo sa hit sitcom na Home Sweetie Home.

Sa episode bukas, Linggo (Abril 13), marami sa kanyang mga kapitbahay at kaibigan ang nagsabing kaya tumataas ang bill nila ng kanyang asawang si Julie (Toni Gonzaga) ay dahil marami na sila sa bahay. Ang problema ay kung paano nila pwedeng sabihin kay Nanay Loi (Sandy Andolong) na magtipid kasi baka ma-offend ito.

Lingid sa kaalaman nila Romeo, may mga nagta-tap pala ng mga outlet sa kanilang lugar. Nalaman niyang tinap pala ang videoke machine—pero sino kaya ang gumawa nito? Posible bang kapitbahay o kaibigan din ni Romeo ang nagpataas ng kanilang bill para sa kuryente?

Alamin sa Home Sweetie Home ngayong Linggo pagkatapos ng Goin’ Bulilit.

Show comments