^

PSN Showbiz

Carla pumayag magpabuntis kapalit ng malaking halaga?

Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na bago kay Naneth ang pagdadalang-tao. Hindi man siya tuluyang naging ina, naranasan naman niya ang hirap ng pagbubuntis… at ang sakit na mawalan ng anak. Kaya nang alukin siya ng isa sa mga customer niyang maging baby maker, buo agad ang loob ni Naneth sa pagtanggi rito.

Pero dahil sa hirap ng buhay, at dahil sa malalang sakit ng kaniyang ina, mababago ang isip ni Naneth. Mabait naman ang customer niyang si Rudy. Disente, kahit nambababae. Ang gusto lang raw nito ay magkaroon ng isang anak dahil baog ang misis niya. Kaya kahit labag sa unang sagot niya, mapapapayag na ni Rudy si Naneth sa gusto niya. Na maging baby maker ito.

Hindi magtatagal ay makakabuo rin sina Rudy at Naneth. At malalaman ni Naneth na hindi pala naging tapat si Rudy sa asawa niya. Magugulat na lang si Naneth nang biglang hindi magparamdam ang lalaki, matapos mangako na siya ang sasagot sa lahat ng mga gastusin ni Naneth, on top of the allowance na matatanggap niya dahil hindi siya makatanggap ng trabaho.

 â€˜Yun pala ay nabisto si Rudy ng misis niya. At hihiwalayan siya nito kung hindi niya tatalikuran ang magiging anak sa labas. Sasabihin nito kay Naneth na ipalaglag na lang ang magiging anak... saka ito itataboy.

Paano na si Naneth matapos ng dagok na ito sa buhay niya? Magagawa nga ba niyang ipalaglag ang bata? O paninindigan ba niya ang pagbubuntis niya? Ngunit paano niya bubuhayin ang batang hindi naman niya ginusto?

Ano ang gagawin niya ngayong ang sagot dapat sa problema niya ay isa na ring problema?

Itinatampok si Carla Abellana sa kaniyang natatanging pagganap bilang si Naneth sa episode na pinamagatang Sinapupunang Paupahan. Kasama rin sina Ryan Eigenmann, Ina Feleo, at Janine Desiderio.

Mula sa direksyon ni Laurice Guillen, sa panulat ni Venj Pellena at sa pananaliksik ni Loi Argel Nova, alamin kung ano ang nangyari sa buhay ni Naneth ngayong Sabado, April 12, sa Magpakailanman pagkatapos ng Vampire ang Daddy Ko sa GMA7.

CARLA ABELLANA

DADDY KO

INA FELEO

JANINE DESIDERIO

KAYA

LAURICE GUILLEN

NANETH

NIYA

RUDY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with