Nora totoong nag-cash advance sa ginawang pelikula!

Nabasa namin sa Facebook ni Ferdy Lapuz na kundi kami nagkakamali’y producer ng Dementia na tapos na ang shooting ng movie sa Batanes at pabalik na sila ng Manila. Bida sa nasabing pelikula si Nora Aunor at first directorial job ito ni Perci Intalan-Lana at involved din sa production si director Jun Lana-Intalan.

Inamin ni Ferdy kay Nora na Vilmanian siya at ikinatuwa na maganda pa rin ang naging trato sa kanya ng Superstar.

Ikinuwento rin ni Ferdy na totoong nag-cash advance si Nora sa production, pero ang perang nakuha ay napunta sa staff and crew. Namigay daw ng pera ang aktres sa cast party ng movie at pati cast, binigyan ng pabaon pabalik ng Manila.

Dagdag pang kuwento ni Ferdy, “nagpawala” ng pera si Guy sa ilang staff na nagka-Karaoke. Ang tantiya ni Ferdy, ang nagastos ni Guy sa staff, crew, at cast ay puwedeng budget sa isang small indie film.

Kasama sa cast ng Dementia sina Yul Servo, Bing Loyzaga, Althea Vega, Jasmine Curtis-Smith, Jeric Gonzales, at Chynna Ortaleza.

Samantala, nabalitang isinumite ng National Commission for Culture and the Arts o NCCA ang pangalan ni Nora sa Malacañang para iproklamang national artist. Hindi totoo kung ganoon ang kumalat na balitang hindi naproklamang national artist ang superstar dahil hindi pa napipirmahan ni President Noynoy Aquino ang proklamasyon. Baka this month daw i-announce ang mga bagong national artist ng bansa.

Kris hinihintay nang mag-propose si Herbert!?

Nasulat ni Jun Lalin na nakita sina Quezon City Mayor Herbert Bautista at Kris Aquino sa Starbucks sa Imperial Palace branch sa corner ng Tomas Morato at Timog sa Quezon City.

Last Sunday, nakita rin ang dalawa ng isa naming kaibigan na nagsimba sa 4 p.m. mass sa St. Paul Church sa Timog. Mukhang nadadalas ang sightings sa dalawa sa Morato at Timog area.

Also, nakakatuwa ang reaction ni Kris nang after reading her letter sa Aquino and Abunda Tonight nagtanong si Boy Abunda kung may marriage plans na sila ni Mayor Herbert? Napa-“Oh my God!” si Kris at hayaan daw si Herbert ang mag-propose for him. Hahaha!

Anyway, this Saturday hanggang Monday, magbabakasyon sina  Kris at mga anak na sina Josh at Bimby sa isang wellness farm.

Dingdong naudlot sa Cain at Abel

Sa April 15, ang target schedule ng first day shooting ng pelikulang Cain at Abel na bida sina Aljur Abrenica at Alden Richards sa direction ni Adolf Alix, Jr. Ang MJM Films ni Edgar Mangahas ang producer ng movie at co-producer yata ang GMA Films dahil sa GMA Network ginawa ang storycon.

Nagsimula na ang acting workshop nina Aljur at Alden under Angeli Bayani na isang magaling na aktres. Hindi sa pelikula ang unang pagsasama ng dalawang aktor dahil nagkasama na sila sa Magpakailanman.

Naalala lang namin, unang nabalita noon na may gagawing series si Dingdong Dantes na Cain at Abel ang title. The same project kaya ito o iba at nagkapareho lang sa title?

Jennica sasama na kay Alwyn sa TV5

Masaya ang TV5 sa resulta ng Beki Boxer at kay Alwyn Uytingco Dahil balita namin, ire-renew ng network ang kontrata ng aktor. Three years uli raw ang pipirmahang kontrata ng aktor na tiyak tuwang-tuwa sa patuloy na pagtitiwala sa kanya ng network.

May tsika palang baka magkasama na sina Alwyn at GF niyang si Jennica Garcia sa TV5 dahil hindi pa nire-renew ng GMA 7 ang kontrata ng aktres. Kasama sa cast ng Carmela si Jennica, pero wala na raw itong kontrata sa network.

Sabi ng manager nina Alwyn at Jennica na si Manny Valera, kung may magandang offer kay Jennica ang TV5, pag-aaralan nila dahil trabaho ang hanap ng dalaga. Pero priority nila ang GMA 7.

Show comments