Bimby, gustong maging super hero

Sa April 19 ay magpi-pitong taon na ang aming inaanak at ang bunsong anak ni Kris Aquino na si James o mas kilalang si Bimby. Noong Martes ay nagdiwang na ng kanyang kaarawan si Bimby kasama ang pamilya at mga kaibigan sa isang hotel sa Alabang. Sa nasabing selebrasyon ay ibinahagi ng bata ang kanyang ‘7 Wishes’.

1.  Make everyone rich. I want the Philippines to be rich.

2. To make me a soldier because I want to protect people.

3. Everyone to be safe from crimes. World peace.

4. To have lots of XBOX 360 disc games.

5. To become a super hero.

6. To have my mama forever.

7. To have a Minecraft-themed party (na siyang naging tema ng selebras­yon).

Dumalo sa pagtitipon ang ama ni Bimby na si James Yap. Nag-abot ng tseke si James sa Queen of All Media dahil nangako itong hahati sa lahat ng gastos para sa party ng kanilang anak. Naging emosyonal din si Kris sa muling pag-uusap nila ng basketbolista.

Dominique Cojuangco iba ang buhay sa London

Dalawang linggo lamang nanatili ang anak nina Gretchen Barretto at Tony Boy Cojuangco sa Pilipinas at ngayon ay nakabalik na sa London. Kumukuha roon ng kursong Fashion Design ang supling nina Gretchen at Tony Boy.

Maraming mga bagay na raw ang natutunan si Dominique sa kanyang pamamalagi sa United King­dom. “I feel like London has made me grow more independent. Meeting new friends and being introduced to a new cultures. It’s a nice, new chapter in my life after I graduated from the British School Manila. I’ve learned the importance of getting lost around the city and finding new places or finding myself and I think that’s wonderful. I am usually in school for half of the week. Otherwise, I like visiting galleries and mu­seums. It’s nice sightseeing because it is one of the most beautiful cities in the world after Manila, of course,” nakangiting pahayag ni Dominique.

Ayon sa dalaga ay ibang-iba talaga ang kanyang pamumuhay na hindi kasama ang mga magulang sa London. “I used to go to school that was ten minutes away in a car and now I go to school in London and my school is forty minutes away, I have to take the tube. I have to walk with my umbrella when it rains. I do like it. My friends are very different, they’re from different countries that I’ve never even come across before like Kazakhstan for example but I think it’s a nice cultural difference and it’s something that I learn from. I’ve adjusted in a way where I can live day-today life, but it’s nice to be able to discover new places everyday,” kwento ng dalaga. Reports from JAMES C. CANTOS

 

 

Show comments