Sports personality naunsyami ang mga plano sa aktres!

Kawawa pala talaga ang nangyari sa isang kilalang sports personality na ex ng isang aktres.

Aba nakapag-ipon na pala ito ng mga gamit na gusto ng kanyang ex girlfriend sa pag-aakalang sila na ang magkakatuluyan. Lahat daw ng gamit na gusto ng ex,  binili ng kilalang personalidad. Maging ang talent fee daw nito sa endorsement ay diretso rin sa pinag-ipunan nitong condo unit sa Serendra.

Nakaipon naman daw ang kilalang sports personality ng appliances at maging ang pinapa­ngarap na condo unit ay nabili. Dumating pa raw sa point na sa kagustuhan mabili agad ang pinapa­ngarap na condo para sa kanila ng karelasyon ay nangutang pa ito.

Nakahiram naman daw ng pera para mapadali ang pagbili nito ng condo unit. Napuno rin daw  ng gamit ayon sa plano nila.

Pero matapos daw maayos ang lahat, biglang nagkahiwalay ang sikat na sports personality at ang aktres.

Mahal na mahal daw ng sports personality ang actress, pero baka raw napagod na ang huli dahil ‘di hamak na mas madatung ang aktres kesa sa ex niya.

Ngayon daw ay naka-move on na ang sports personality pero ininda raw talaga nito ang nangyari sa kanila ng girlfriend na ngayon ay may iba na.

MTRCB tuloy ang kampanya sa matalinong panonood

Nagsasagawa ng Matalinong Panonood Campaign sa Masbate ang Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB). Nagsimula na ito kahapon at magpapatuloy ito ngayong araw bilang bahagi ng year-round effort na mas lalong ipaintindi ng ahensiya sa mga manonood ang classification rating system na ipinatutupad nila sa mga programang napapanood sa television at pelikula at mapalakas pa ang partnership ng cable TV operators at ang key players.

Pinamumunuan ni MTRCB Chairman Eugenio “Toto” Villareal ang grupong nagsasagawa ng kampanya sa iba’t ibang lugar sa bansa kasama ang Board Members na sina Robert Andrews, Manuel Buising, Francia Conrado, Jacqueline Aquino-Gavino, Joey Romero, Ma. Lourdes Supnet, Jose Antonio Veloso, and Alfred Yuson.

Ang kampanya ay kinapapalooban ang seminars and forum for various audiences and collaborative activities with Cable Industry players. Ang  Matalinong Panonood forum entitled, Para sa Pamilya nina Juan at Juana na isinagawa kahapon sa Masbate Colleges ay dinaluhan ng mga estudyante, faculty members, and administrators. Isinabay sa nasabing seminar kahapon ang oath taking for the new Local Regulatory Council (LRC) volunteers na ginanap naman sa Legacy Suites Hotel.

Ang LRC ay mandated para tulungan ang  MTRCB sa pagpapatupad ng Presidential Decree No. 1986 and its Implementing Rules and Regulations.

Ngayong araw naman ay nakatakda silang magsagawa ng Media Literacy seminar na dadaluhan ng mga representative mula sa iba’t ibang movie channel at radio stations.

Magsasagawa rin ang MTRCB ng pagbisita at pakikipag-meeting sa cable company owners na magtatapos sa pirmahan ng Memorandum of Understanding (MOU) sa pagitan ng MTRCB at cable industry stakeholders sa Bicol.

Ito ay para na rin mapangalagaan ang kapakanan ng mga bata, kababaihan, may kapansanan at senior citizens sa kanilang mga napapanood sa telebisyon lalo na sa cable channels. 

Mga magaganda at guwapong taaleno rarampa sa Elpasubat Festival

Inaasahang dadagsa ang mga turista sa bayan ng Taal (Batangas) sa darating na Abril 26 at 27 para sa pinakahihintay na Elpasubat Festival. Muling magpapakitang gilas ang mga Taaleño sa isang makulay at magarbong float parade at street dancing sa unang araw nang selebrasyon.

Isasabay sa selebrasyon ang pintuan ng mga antigong bahay sa Taal upang ipamalas ang walang kupas na ganda nang isa sa pinakamagandang lugar sa Batangas. Balisong, panutsa, suman, tapa, longganisa at empanada ang ilan sa mga produktong Taal na ibibida sa Elpasubat festival.

Sigurado ring mamamangha ang mga manonood sa Elpasubat challenge kung saan ipakikita ng mga mamamayan ng Taal kung paano iniluluto at inihahanda ang kanilang mga produkto.

Ang pangalawang araw ng festival ay sisimulan sa isang malaking salu-salong tinatawag na Taalmusal. Pagsasaluhan ng mga turista at Taaleño ang kanilang paboritong almusal tulad ng tapa, longganisa at tsokolate eh, habang nakahelera ang kanilang mga mesa sa buong plaza ng nasabing bayan. Pagpatak ng huling gabi ng Elpasubat festi­val, irarampa naman ng mga piling-piling binata at da­lagang Taaleño ang mga kasuotang hango at gawa sa walang kapares na Burdang Taal. Magtatapos ang selebrasyon sa sayawan at musika sa Taal heritage plaza.

Ito ay proyekto nila Taal Vice Mayor Pong Mercado, mga miyembro ng Sanggu­niang Bayan at Taal Mayor Michael Montenegro. Ang pro­yektong ito ay sinusuportahan nila Batangas Governor Vilma Santos-Recto at Batangas Vice Governor Mark Leviste.

 

Show comments