Gretchen aminadong mas matalino ang anak kesa sa kanya

Proud na proud si Gretchen Barretto para sa anak na si Dominique na kumukuha ng kursong Fashion Design sa United Kingdom. “She’s so independent in London. She takes the tube. She has been offered a scholarship in her school. She’s achieved so much in a few months in London and I’m just very proud. Her dad is very, very proud of her,” bungad ni Gretchen.

Hindi pa raw magtutuluy-tuloy sa pag-aartista si Dominique dahil abala ang dalaga sa pag-aaral. “She’s not going full time in show business. Babalik siya ng London. She’s doing commercials and ‘yun ang mga gusto niyang gawin. After college, that’s three more years from now, so I can’t really tell. I really don’t know. Right now we’re dealing with a lot in sending her to school. I want her to be a very, very successful international designer, that’s what I dream for her. But of course ito ‘yung buhay na kinagisnan ko, sana she’s always going to be part of a show business. Kasi I’m in show business and Julia (Barretto) is and my family is,” paliwanag ng aktres.

Nasanay na rin daw si Dominique sa lahat ng mga kontrobersiyang kinasangkutan at pinagdaanan ng pamilya Barretto. “I always told her that intrigues and problems in situations will always be part of life, whether you’re rich or poor, fat or thin, tall or short, you will always have problems. I think she’s tough, wala akong tinatago sa kanya. She’s turning 19, I believe she’s smarter than me and even Tony says, ‘Oh my God, I never thought this girl is smart. She writes better than I do,’” nakangiting kwento ni Gretchen.

Liza napabilib kay Enchong

Kamakailan ay nagtambal sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya’ sina Enchong Dee at Liza Soberano. Ayon sa aktres ay madali raw palang katrabaho si Enchong. “It was very nice, sobrang fun ng experience kasi kahit medyo older siya sa akin, hindi ko naramdaman na parang older siya. And he’s easy to talk to,” nakangiting pahayag ni Liza.

Aminado ang dalaga na napahanga siya kay Enchong sa pagiging magaling na aktor nito. “Sobrang galing po niyang umarte, as in. Meron po ‘yung isang scene medyo nahirapan po ako. It was kind of a cry scene tapos he actually helped me, tapos sobrang down-to-earth niya and he’s willing to help others to make the show better. So ayun, sobrang happy lang,” kwento ng dalaga.

Malaking bagay para kay Liza na makatambal si Enchong sa isang proyekto. “Overwhelmed, when I found out na siya ‘yung kasama ko kasi parang hindi ako experienced as him pero kasama ko siya. It was really a big thing for me,” pagtatapos ng aktres. Reports from JAMES C. CANTOS

Show comments