MANILA, Philippines — Hindi lumusot sa Department of Justice (DOJ) ang kasong panggagahasa na isinampa ng modelong si Deniece Cornejo laban sa TV host na si Vhong Navarro.
Sinabi ng DOJ ngayong Huwebes na wala silang nakitang probable cause upang ituloy ang kaso.
Sa kaparehong resolusyon ay inaprubahan naman ng DOJ ang pagtutuloy ng kasong serious illegal detention at serious physical injury kina Cornejo at sa grupo ng negosyanteng si Cedric Lee.
Kaugnay na balita: Vhong naging emosyonal sa desisyon ng DOJ
Pinakakasuhan ng DOJ sina Cornejo, Lee, Bernice Lee, Ferdinand Guerrero, Zimmer Rance at tatlong iba pa na nakilalang sina “Mike,†“John Doe†at “Peter Doe.â€
Nitong Enero ay inupakan ng grupo ni Lee si Navarro sa loob ng Forbeswood Heights Condominium sa Taguig City.
Sinabi ni Cornejo na ginahasa siya ni Navarro kaya rumesponde ang mga kaibigan niyang sina Lee.